Fans, nagrereklamo sa takbo ng teleserye nina Juday at Piolo!
April 4, 2006 | 12:00am
Inulan ng tawag sa telepono, text messages at e-mails ang mga staff ng Sa Piling Mo particularly ang executive producer na si Des Tanwangco at production manager na si Julie Ann Benitez ng fans nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos dahil hindi raw nila nagugustuhan ang itinatakbo ng kwento ng nabanggit na soap drama.
Expected daw ng solid Piolo/Judy Ann fans ay magkakabalikan na ang dalawang bida ng SPM last week, pero hindi pa pala dahil maski raw nagkita na ng personal sa tubuhan kung saan pareho silang nagtatrabaho ay hindi pa rin daw nakilala ni Piolo ang boses ni Budaday na matagal daw niyang nakasama.
"Naloka kami, hindi namin ini-expect na ganito pala ka-apektado ang fans, parang nagagalit sila sa takbo ng istorya," say ng staff ng SPM.
Dagdag pa, "Syempre, matagal na panahong hindi nagkausap at nagkita sina Piolo at Juday, hindi naman ganun kadaling makikilala kaagad ang boses lalo na at bulag ang aktor nung nagkahiwalay sila."
Katwiran naman ng mga kakilala at naging kaibigan na rin naming fans nina Piolo at Juday, "E, kasi ate Reggee, para namang nakakaloko yung istorya, syempre pag mahal mo ang isang tao, kesehodang matagal kayong hindi nagkita, matatandaan mo lahat pati boses, amoy, galaw."
Sana raw gawing reyalidad ang istorya at huwag nang imbentuhin dahil hindi kapani-paniwala.
"Kaya nga bumababa ang ratings nung ibang show dahil sa sinasaksakan ng istoryang hindi kapani-paniwala, di ba?" katwiran naman ng isa pang loyal supporter nina Piolo at Juday.
May dalawang batang mahirap na gustong makipagsapalaran sa music industry sa tulong ng kilalang kompositor na si Vehnee Saturno na siyang sumulat ng kanilang mga awiting nakapaloob sa first album nila under Synergy Music Corporation at ang mga nilalaman ay "Ay Ang Torpe." "Kung Di Ka Pa Nakita," "Dadaanin Ko Na lang Sa Kanta" at iba pa. May social relevance ang carrier song nilang "Palimos Po" dahil tinutukoy ditoy ang mga batang nakikita sa lansangan na nabubuhay dahil sa pamamalimos.
Ang mga batang ito ay sina Jennifer Hontucan at Gilbert Donato na tinawag na Payatas Kids ng kanilang discoverer at producer na si Toshihiko Uriu, isang turistang Hapones na minsang dumalaw sa Payatas na sa hindi malamang dahilan ay nasumpungan na lang ang sarili na tinutulungan na niya ang mga kababayan nating nakatira sa lugar na iyon in his own little way.
Hindi naman nagkamali ng pagtulong si Toshihiko dahil ang dalawang batang napili mula sa mahigit isang daang batang nag-audition na sina Jennifer at Gilbert ay consistent honor student sa kanilang iskuwelahan, sa Commonwealth High School at Payatas High School.
Kumuha ng voice lesson ang Payatas Kids kay Butch Albarracin na may-ari ng Center for Pop Music at iba pang workshops.
Base sa press releases na ipinadala sa amin ng publicists nilang sina Sam Salva at Adjes Carreon ay ang Payatas Kids daw ang "Jewels in the Garbage."
At dahil may mga ilang tv guestings na rin ang Payatas Kids ay nangako silang hinding-hindi nila iiwan ang kanilang pag-aaral dahil naniniwala sila na ito lang ang pupwede nilang baunin maski na saan sila makarating. REGGEE BONOAN
Expected daw ng solid Piolo/Judy Ann fans ay magkakabalikan na ang dalawang bida ng SPM last week, pero hindi pa pala dahil maski raw nagkita na ng personal sa tubuhan kung saan pareho silang nagtatrabaho ay hindi pa rin daw nakilala ni Piolo ang boses ni Budaday na matagal daw niyang nakasama.
"Naloka kami, hindi namin ini-expect na ganito pala ka-apektado ang fans, parang nagagalit sila sa takbo ng istorya," say ng staff ng SPM.
Dagdag pa, "Syempre, matagal na panahong hindi nagkausap at nagkita sina Piolo at Juday, hindi naman ganun kadaling makikilala kaagad ang boses lalo na at bulag ang aktor nung nagkahiwalay sila."
Katwiran naman ng mga kakilala at naging kaibigan na rin naming fans nina Piolo at Juday, "E, kasi ate Reggee, para namang nakakaloko yung istorya, syempre pag mahal mo ang isang tao, kesehodang matagal kayong hindi nagkita, matatandaan mo lahat pati boses, amoy, galaw."
Sana raw gawing reyalidad ang istorya at huwag nang imbentuhin dahil hindi kapani-paniwala.
"Kaya nga bumababa ang ratings nung ibang show dahil sa sinasaksakan ng istoryang hindi kapani-paniwala, di ba?" katwiran naman ng isa pang loyal supporter nina Piolo at Juday.
Ang mga batang ito ay sina Jennifer Hontucan at Gilbert Donato na tinawag na Payatas Kids ng kanilang discoverer at producer na si Toshihiko Uriu, isang turistang Hapones na minsang dumalaw sa Payatas na sa hindi malamang dahilan ay nasumpungan na lang ang sarili na tinutulungan na niya ang mga kababayan nating nakatira sa lugar na iyon in his own little way.
Hindi naman nagkamali ng pagtulong si Toshihiko dahil ang dalawang batang napili mula sa mahigit isang daang batang nag-audition na sina Jennifer at Gilbert ay consistent honor student sa kanilang iskuwelahan, sa Commonwealth High School at Payatas High School.
Kumuha ng voice lesson ang Payatas Kids kay Butch Albarracin na may-ari ng Center for Pop Music at iba pang workshops.
Base sa press releases na ipinadala sa amin ng publicists nilang sina Sam Salva at Adjes Carreon ay ang Payatas Kids daw ang "Jewels in the Garbage."
At dahil may mga ilang tv guestings na rin ang Payatas Kids ay nangako silang hinding-hindi nila iiwan ang kanilang pag-aaral dahil naniniwala sila na ito lang ang pupwede nilang baunin maski na saan sila makarating. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended