^

PSN Showbiz

Nora, nag-plead ng guilty sa drug case

-
Para umano mapabilis na matapos ang kaso at mabigyan ng ‘probation’ kung kaya nagpasok ng ‘guilty plea’ ang Superstar na si Nora Aunor kaugnay ng ‘drug case’ na kinakaharap nito sa Los Angeles California.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinasabing kagyat na inamin ni Nora ang pagdadala nito ng walong gramo ng methamphetamine sa sala ni Judge James Brandlin ng Los Angeles Superior Court.

Kagyat ding hiniling ni Aunor na mapasok sa ‘drug treatment and rehabilitation program’ na pangangasiwaan ng korte habang hinihintay ang magiging dismissal ng kanyang kaso.

Ayon sa report, sinasabing pinagbigyan naman kaagad ni Judge Brandlin ang actress/singer sa kanyang kahilingan.

Si Nora ay matatandaan na naaresto sa Los Angeles International Airport noong Marso 2005 matapos na madiskubre ang walong gramo ng ‘droga’ sa loob ng kanyang handbag.

Pumasok sa isang programa noong Disyembre ni Nora na hindi na nangangailangan na ng pag-amin nito sa kasalanan pero hindi umano umakma sa ‘lifestyle’ ng singer/actress ang nasabing programa dahil nakapaloob doon ang hindi pagpayag na payagang makapagbiyahe.

Sa pagpapatuloy ng paglilitis noong Miyerkules ay nagpasok ng guilty plea si Nora para makapasok sa ‘drug treatment program’ ng gobyerno ng Amerika para umano maayos na ang gusot na nangyari sa kanyang buhay.

Nabatid na bubunuin ngayon ni Nora ang may 18 buwan sa rehabilitation at kung makukumpleto na nito ay maaari nang humiling sa korte na mabasura ang kanyang kaso para tuluyan nang makauwi sa bansa. — Mer Layson

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JUDGE BRANDLIN

JUDGE JAMES BRANDLIN

LOS ANGELES CALIFORNIA

LOS ANGELES INTERNATIONAL AIRPORT

LOS ANGELES SUPERIOR COURT

MER LAYSON

NORA

NORA AUNOR

SI NORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with