Kahit kapwa artista, pini-presyuhan ng malaki si Barbara Milano
April 1, 2006 | 12:00am
Kung dati-rati ay si Barbara Milano ang iniimbita para mag-guest sa maraming okasyon tulad ng kapistahan, ribbon cutting, provincial shows, atbp., ngayon ay siya na ang nag-iimbita ng mga artista para makita at marinig ng kanyang mga kababayan sa Talavera, Nueva Ecija na kung saan ay isa siyang popular na konsehala. Tulad nang mag-hermana mayor siya sa pista ng Bgry. Pula, ang sarili niyang brgy. sa Talavera. Nakuha niyang mag-guest sina Hanna Villame at "Aray queen" Mae Rivera.
"Mahirap pala. Nag-iimbita ka na, nag-iintindi ka pa ng mga presyo. Kasi kailangang hindi ako lumampas sa budget na ibinibigay sa akin. Marami sa mga iniimbita ko ang akala ay pelikula ang inaalok ko sa kanila sa taas ng presyong hinihingi nila. Kung sabagay, mahirap ang panahon ngayon pero sana naman i-consider nila ang lugar na pupuntahan nila. Tulad ng lugar ko, na simple lamang ang mga tao at hindi naman mayaman.
"Pero, kahit gaano kalaki o kataas ang presyo nila, hindi ako agad-agad tumatanggi, syempre, gusto kong bigyang kasiyahan ang mga kababayan ko. Nakikipagtawaran ako sa presyo. Minsan ginagamit ko ang koneksyon ko. Pero, ayaw ko rin namang malugi ang mga kapwa artista ko. Alam ko naman na gumastos sila sa damit, make-up at pamasahe. Inilalagay ko rin sa lugar ang lahat," sabi niya.
Sa ngayon miss na miss na ni Barang ang showbiz. Gusto niyang kahit paminsan-minsan ay nakakapag-guest siya, lalo na sa TV. Gusto rin niyang makagawa ng pelikula, para hindi kalawangin ang pag-arte niya. Ipinagmamalaki niya na kahit mga bold ang ginawa niyang pelikula ay may magaganda siyang nagawa, tulad ng Virgin People. Vir Gonzales

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended