^

PSN Showbiz

15 anyos na, katabi pang matulog ng mga magulang niya

-
Follow-up ito sa istoryang nasulat namin dito sa PSN kahapon tungkol kay Angel Locsin dahil may nag-text sa amin para ipaalam na hindi raw nagustuhan ng taga-ABC 5 ang sinulat naming "Walang Gamit sa Bahay si Angel Locsin" na ipinakita sa programa ni Ali Sotto.

"Nababahala kasi sila na baka raw magalit ang GMA 7 management sa sinulat mo na plugging sa show nila na walang gamit si Angel, baka hindi na ipahiram si Angel sa ABC 5," mensahe sa amin.

Tinext-back namin ang taong nagpadala sa amin ng mensahe at ikinatwiran namin na bakit sila mag-aalala, e, yun mismo ang ipinapakita nilang teaser ng programang Ali na walang gamit si Angel at inamin din ng aktres yun na kaya wala siyang gaanong gamit ay dahil wala siyang time at maging ang laman ng refrigerator niya ay ipinakita rin na walang laman dahil nga bihira naman siya sa condo unit niya at walang time magluto.

"Minimalist kasi si Angel, ayaw niya ng maraming gamit, yung importante at ginagamit lang niya ang laman ng condo unit niya," ito naman ang pangangatwiran sa amin.

 E, yun naman pala, bakit kailangang mangarag ang mga taga-Singko sa sinulat namin, ayaw ba nila, libre publicity sa show nila ang sinulat namin?
* * *
Now it can be told na mas "has-been" si Onemig Bondoc kaysa kay Angelica Jones (kaliwa’t kanan ang tv guestings ngayon) na tinawag niya ring has been nung kasagsagan ng away nila sa programang It’s Chowtime Na! na tuluyan nang nawala sa ere dahil sa walang katapusang bangayan nila.

Isa si Uno sa special guest ng Showbiz Stripped ni Ricky Lo bukas, Sabado para sa episode title na Pana-Panahon Lang ‘Yan kasama ang mga kapwa has been na rin ngayong sina Jao Mapa, Eric Fructuoso, Isabel Granada at Ina Raymundo.

In fairness ay may mga recall naman sa fans ang mga pangalang nabanggit dahil minsan sa kanilang showbiz career ay lumikha rin sila ng ingay on their own.
* * *
May dahilan naman pala kung bakit nag-iisang anak lang si Kim Flores ng kanyang magulang, hindi dahil sa hindi na siya gustong sundan kundi dahil walang panahong magkasarilinan ang magulang ni Kim kapag oras na ng pahinga.

Ito palang 15 year-old talent ng Backroom, Inc ay sa kuwarto pa ng magulang niya natutulog at take note, sa pagitan pa ng mommy at daddy niya siya nakapuwesto.

Napakunot noo nga kami nung malaman namin yun dahil ang tanda-tanda na niya ay nakatabi pa rin siya sa magulang niya at sinabihan namin na kaya wala siyang kapatid ay kasalanan niya.

 Medyo na-guilty yata ang bagets at sumeryoso ang mukha at nagsabing, "Sige po, sa kuwarto ko na ako matutulog simula ngayon," pero hindi rin pala nasunod dahil nasanay na rin pala ang magulang ng batang singer na katabi siyang matulog.

Kaya ngayong summer vacation ay hataw siya sa mga guesting tulad sa Linggo, ka-join siya ng Syato Band sa mall shows nila sa April 2, Sta. Mesa; April 21, Biyernes sa SM Bicutan ; at April 30. Sabado sa SM Manila.

Ka-join din si Kim sa Backroom Summer Musical Caravan kasama ang kapwa artists na sina Kyla, K and the Boxers, Frenchie Dy at Erik Santos.

For more inquiries on Kim, call Backroom at 4353808 or email [email protected]. – Reggee Bonoan

vuukle comment

ALI SOTTO

ANGEL LOCSIN

ANGELICA JONES

BACKROOM

BACKROOM SUMMER MUSICAL CARAVAN

CHOWTIME NA

DAHIL

ERIC FRUCTUOSO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with