^

PSN Showbiz

Mon David, wagi sa jazz contest sa London!

- Veronica R. Samio -
Isa sa itinuturing na pundasyon ng jazz community sa bansa, si Mon David, ay nanalo sa kauna-unahang London International Jazz Competition for Vocalist na ginanap sa Cadogan Hall sa Sloane Square, London. Tinalo niya ang mga kandidato mula sa Australia, Germany, USA at Great Britain para tanghaling 2006 First LIJC Champion. Para sa finals, inawit niya ang "Nature Boy", "My One and Only Love" at "Lullaby of Birdland".

Mag-uuwi si Mon ng GBP 1,000 at tropeo. Kasama sa kanyang premyo ang dalawang natatanging pagtatanghal sa mga premyadong jazz venue sa London tulad ng The Jagz Ascot at 606 Club.

Si Mon David ay may album sa Isla/Candid Phils. na pinamagatang "Life & Times." Mayro’n itong 15 tracks. Nominado rin si Mon sa Awit Awards for Best Jazz Recording ("Let Go") at Best Vocal Arrangement (isang Kapampangan song na "Atin Cu Pung Singsing".
* * *
Kay Ms. Leng Raymundo dapat mapunta ang credit sa mga magagandang Asianovela na napapanood sa ABS CBN. Mula sa pagiging EP ng VP with nine years of experience in Sky Cable at nine years in ABS CBN TV Production, handling locally produced shows (Game Ka Na Ba, ASAP, Sharon at The Buzz), cable programming (Lifestyle Network, Cinema One at MYX) at canned programming (Lovers in Paris, Meteor Garden, Naruto at Mr. Bean), siya ngayon ang namumuno ng ABS CBN’s program acquisitions team.

Regular na dumadalo si Ms. Leng sa mga film and TV markets sa abroad at maliban sa pagpo-prodyus ng mga palabas, siya ang nag-aasikaso ng promo ng mga pelikula o serye na nabibili niya para sa network, nagpapasalin ng mga palabas sa kanilang English dialogues to Tagalog at ang nagpapa-dub sa mga ito (mayro’ng 200 voice talents ang ABS CBN na gumagawa ng dubbing) at maging ang pagpili ng mga kanta na gagamitin para ma-localize ito, isang mahirap na trabaho pero ayon sa kanya ay very challenging at masaya at the same time, lalo’t naghi-hit ang mga canned programs locally.
* * *
Panahon ko nang sumikat si Paul Anka kaya alam ko ang halos lahat niyang awitin "Diana", "You Are My Destiny", "All Of a Sudden," "My Heart Sings", "Lonely Boy", "Put Your Head On My Shoulder","It’s Time To Cry", "Puppy Love" at marami pa.

Darating ang Canadian na gumawa ng malaking pangalan sa Amerika para mag-perform sa Araneta Coliseum ng dalawang gabi (Mayo 14 at 15) para sa kanyang palabas na pinamagatang I Did It My Way, Paul Anka Live in Manila.

Nakalabas na si Anka sa pelikula tulad ng The Longest Day na siya rin ang nag-composed ng theme song. Mga komposisyon din niya ang "My Way" ni Frank Sinatra at "She’s a Lady" ni Tom Jones.

Ikinasal siya sa beauty queen na si Anne de Zogheb sa Paris nung 1963. Mayro’n silang limang anak na babae at tatlong mga apo.

ALL OF

ARANETA COLISEUM

ATIN CU PUNG SINGSING

AWIT AWARDS

BEST JAZZ RECORDING

BEST VOCAL ARRANGEMENT

CADOGAN HALL

CANDID PHILS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with