^

PSN Showbiz

Mulawin, dinumog sa HK Filmart

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Tagumpay na masasabi ang participation ng Philippines sa katatapos na Hong Kong Filmart na ginanap sa Hong Kong Convention Center Hall 5 in Hong Kong. Kuwento ni Ms. Cristine Dayrit, Cinema Evaluation Board chairman, maraming participants ang nagka-interes na bumili ng mga pelikulang naka-exhibit sa Philippine booths. At ang booth ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) and Film Academy of the Philippines (FAP) ay nasa tabi lang ng booth ng Malaysia, France at malapit na malapit sa speakers hall.

Kasama sa mga nagpadala ng representatives ang Viva Films, GMA Films, Imus Productions and Enchanted Kingdom.

Kuwento pa ni Ms. Cristine na head ng delegation sa Filmart, nag-share sina Ferdinand Lapuz and director Brilliante Mendoza na pareho nang may experience sa pag-attend sa mga international film festivals dahil sa mga pelikula nilang Kaleldo, Siquijor and Masahista na pawang na-screen sa ginanap na HK Filmart, na importanteng malaman kung anong pelikula na gusto ng market. At importante kung magkano ibebenta ang isang pelikula.

Pero pinaka-maraming inquiries sa mga pelikulang kasali sa exhibit ang series at pelikulang Mulawin, Exodus and Sigaw - particularly among Asian countries like Malaysia, Indonesia, China and Thailand.

Napansin din ang Philippine TV series and films ng Turkey, Toronto, Berlin and Italy.

"Buyers from Turkey said that they have purchased TV right for Kay Tagal Kitang Hinintay (Forever Waiting) from ABS-CBN," Cristine shared.

Pinu-pursue din daw ng naturang representative from Turkey na bilhin ang rights ng Mulawin at kasalukuyan nang ni-negotiate ang presyo nito.

In demand naman sa Italy and Toronto representatives sa mga pelikulang Shake, Rattle and Roll and Sigaw.

Sa Italy din daw, in demand sina directors Erik Matti and Joyce Bernal. "During their films screening at the Italian Filmfest, they pratically won the audience choice," added Ms. Cristine.

Favorite daw kasi sa Italy ang Gagamboy film ni Vhong Navarro.

Next year, ang Exodus ng Imus Productions and Reality Films ang ipalalabas sa Italy. Nakilala naman ni Marlon Bautista si Stephen Cremin, Screen Magazine correspondent at active participant sa Cannes, Berlin, Pusan and AFM, at excited mapanood ang Exodus.

Marami namang naghahanap kina Jericho Rosales and Kristine Hermosa na very popular sa Indonesia, Thailand and Malaysia.

Horror daw ang pinaka-maraming inquiries ayon pa kay Ms. Cristine.

Kasama sa mga nag-attend aside from Cristine sina Mother Lily Monteverde and her daughter Roselle M. Teo, GMA’s Joey Abacan, Imus Productions’ Marlon and Enchanted Kingdom’s Jeng dela Torre. Kasama rin sa delegations ang FAP Executive Secretary John Suarez, the Animation Council of the Philippines, Manet Dayrit ng Roadrunner and Direk Jeffrey Jeturian.

By the way, sinabi ni Cremin ng Screen International na malakas ang clamor sa mga new directors and new films sa Cannes. At kung mapa-package daw properly ang Sigaw, malamang na kumita ito ng malaking dolyares. Nag-volunteer din siyang pumunta ng Philippines kasama ang kanyang film colleagues at their expense para mag-screen ng Filipino films with English subtitles.

Pinag-aaralan na ngayon ng FDCP ang pagsali sa nalalapit na Pusan International Film Festival in Korea sa October and in November sa American Film Market.

Kasalukuyan na rin silang nakikipag-coordinate kay DOT Sec. Ace Durano para sa mga susunod na Filmart. Kasama pa sa action plan nila ang makipag-usap sa Philippine Embassy sa mga bansang pagdarausan ng festival.
* * *
Nag-deny si Rustom Padilla sa issue ng utang sa isang bangko sa California kahit hawak nila ang sulat na galing sa nasabing bangko.

Bukod kasi sa nasabing sulat, isang NBI officer ang nag-confirm tungkol sa car loan ni Rustom sa Amerika. In fact, sinabi ni Atty. (na ayaw magpa-mention ng name) na $42,000 ang utang ni Rustom sa isang nagngangalang Julius Espina as remaining balance sa kinuha nitong Mercedez Benz thru installment plan.

Ayon sa isang NBI personnel, three years dapat babayaran ang nasabing kotse ng actor but he suddenly left daw sa Amerika. Si Espina daw ay tubong Mandaue City at may-ari ng Jollibee sa California. Ayon pa sa source ng PM, willing makipag-settle si Mr. Espina basta isoli lang ng actor ang Mercedez sa kanya.

Nauna nang napabalita na kinausap ng NBI ang ABS-CBN dahil sa reklamo ng mga pinagkakautangan ni Rustom na naging rason kaya rin ito biglang lumabas sa PBB House pero nag-deny ang taga-PBB at maging si Rustom.

vuukle comment

ACE DURANO

AMERICAN FILM MARKET

AMERIKA

ANIMATION COUNCIL OF THE PHILIPPINES

FILMART

KASAMA

MS. CRISTINE

RUSTOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with