^

PSN Showbiz

Concert ng mga Pinoy sa US, di na kumikita?

RATED A - Aster Amoyo -
Sa Sabado (April 1) na ang grand night ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition na gaganapin sa Liwasang Bonifacio (sa harap ng Manila Post Office) kung saan ang apat na natitirang housemates na sina Bianca Gonzales, Zanjoe Marudo, John Prats at Keanna Reeves ang maglalaban-laban sa pagiging big winner na makakapag-uwi ng P1-M cash plus other prizes.  
* * *
Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na merong kumakalat na sex video ng isang male ex-housemate ng unang batch? Dito tuloy nakumpirma ang tunay na gender ng pinagdududahang PBB ex-housemate.
* * *
Sinabi ni Marian Rivera sa presscon ng Pamahiin na wala umano siyang karapatang magselos kay Mark Herras dahil hindi pa naman umano niya ito boyfriend kundi manliligaw pa lang. Kung saka-sakali man daw magkabalikang muli sina Mark at dati nitong girlfriend na si Jennylyn Mercado ay hindi ito magiging isyu sa kanya. Masasaktan lamang umano siya kung sila na ni Mark tapos manliligaw pa rin ito sa iba.

Ayon kay Marian, matiyaga umano si Mark sa panliligaw sa kanya at willing naman daw itong maghintay.

Ang Pamahiin ay second movie bale ni Marian. Una siyang ipinakilala sa pelikulang Enteng Kabisote 2 na pinagbidahan ni Vic Sotto at naging top grosser sa 2005 Metro Manila Film Festival.
* * *
Gaano kaya katotoo ang balita na pawang flop umano ang mga concerts lately ng mga Filipino entertainers na dumarayo sa Amerika? Kaya tuloy ang ibang concert producers ay nagdadalawang-isip na kung ipagpapatuloy pa rin nila ang pagpu-produce ng mga concerts doon na pawang lugi.

May mga mangilan-ngilan lamang na concerts doon ng mga Pinoy ang kumikita pero karamihan daw ay lugi.
* * *
Hindi kaya mauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Bianca Gonzales at Direk Lino Cayetano paglabas ni Bianca sa PBB house sa darating na Sabado. Obvious naman kasi na tila nadi-develop na rin si Bianca sa kanyang co-housemate na si Zanjoe Marudo na talagang pursigido na ligawan ang MUP host.

Sabagay, puwede ring magbago tulad noon ni Sam Milby na na-in love sa loob ng Bahay ni Kuya kay Chx Alcala pero nang lumabas si Sam ay hindi na nito halos pansin ang dati niyang kasamahan sa PBB house.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

BIANCA

BIANCA GONZALES

CENTER

CHX ALCALA

DIREK LINO CAYETANO

ENTENG KABISOTE

GAANO

ZANJOE MARUDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with