Ian V, Zoren, nag-aral ng film directing kay Peque, sa Bacolod pa!
March 28, 2006 | 12:00am
Balik Bacolod ang premyadong direktor na si Peque Gallaga para pamunuan ang Directors Apprenticeship, isang masidhing tatlong linggong kurso sa Negros Summer Workshops na gaganapin sa University of St. La Salle simula Abril 24. May acting courses para sa mga bata, teens, adults. Isa sa pinaka-tanyag na kursong ibinibigay niya ay ang Film Production, isang hands-on sa lahat ng aspeto ng produksyon, mula sa preparasyon at shooting hanggang sa post prod.
Ang mga baguhan at propesyonal na interesado ay inaanyayahang magpatala ng maaga dahil limitadong bilang lamang ang tatanggapin. Pipiliin ang mga kalahok batay sa isusumiteng video reel samples ng anumang proyektong nagawa at sa screeening interviews. Ang matatanggap ay kailangang magdala ng sariling video camera na gamit sa ibat ibang film directing exercises. Kabilang sa matatagumpay na graduates nung 2005 sina Zoren Legaspi at Ian Veneracion.
Tampok sa summer workshops ang Crystal Piaya Competition for Short Films on Video na may gantimpalang P25,000. Ilan sa magsisilbing hurado ay sina Bencab, Butch Perez, Don Escudero, Michael de Mesa at Teddy Co.
Ang iba pang workshop ay Production Design, Advanced Acting (Being), Basic Acting, Acting for Children, Teen Acting, Film Production, Theater Improvisation, Movement, Choreography, Stage Production at Make-Up for TV, Film, at Stage.
Hanggang April 24 ang enrollment, tumawag sa (034) 4345998.
Isa si Fernando Poe, Jr. sa napiling National Artists for 2006 para sa Film/Cinema. His inclusion was suggested by Boots Anson Roa. Ang anim pang napili ay sina Ramon Valera, design; Benedicto Cabrera o Bencab, arts; Bienvenido Lumbera, literature; Natividad Rogers, theater; Ildefonso P. Santos, architecture at Ramon Obusan, dance.
Gaganapin ang awarding sa June. Bawat Artist is conferred a medallion and citation, P100,000 cash net of taxes, monthly life pension, medical and hospitalization benefit, life insurance coverage, a place of honor at state functions, national commemoration ceremonies and other cultural events and arrangement and expenses for a state funeral.
Ang bait naman ng nagbibigay ng house and lot na papremyo sa Pinoy Big Brother na si Delfin Lee, ang nasa likod ng Globe Asiatique Realty Holding Corp. Ang nakaraang winner na si Nene Tamayo ay nakatakda sanang tumanggap ng P1M worth of house & lot pero, sa halip inilipat siya sa isang mas malaki at mas mahal na bahay na nagkakahalaga ng P2.5M sa St, Monique Valais.
Dahilan lang ito sa nabaitan si Mr. Lee at nagandahan sa ugali ni Nene.
Mayron nang nakahandang bahay at lupa para sa susunod na PBB winner, P1.5M ang halaga sa Chateau Valenzuela, Valenzuela, Bul.
May mga bahay na nagkakahalaga ng P700,000-P1.5M at pwedeng makuha sa "No Down Payment Equity" at madaling bayaran ang financing scheme. Maaaring makabili sa pamamagitan ng Pag-IBIG Fund.
Kung gusto nyong maging kapitbahay ang mga PBB winners, call kayo sa #292-8888.
Ang mga baguhan at propesyonal na interesado ay inaanyayahang magpatala ng maaga dahil limitadong bilang lamang ang tatanggapin. Pipiliin ang mga kalahok batay sa isusumiteng video reel samples ng anumang proyektong nagawa at sa screeening interviews. Ang matatanggap ay kailangang magdala ng sariling video camera na gamit sa ibat ibang film directing exercises. Kabilang sa matatagumpay na graduates nung 2005 sina Zoren Legaspi at Ian Veneracion.
Tampok sa summer workshops ang Crystal Piaya Competition for Short Films on Video na may gantimpalang P25,000. Ilan sa magsisilbing hurado ay sina Bencab, Butch Perez, Don Escudero, Michael de Mesa at Teddy Co.
Ang iba pang workshop ay Production Design, Advanced Acting (Being), Basic Acting, Acting for Children, Teen Acting, Film Production, Theater Improvisation, Movement, Choreography, Stage Production at Make-Up for TV, Film, at Stage.
Hanggang April 24 ang enrollment, tumawag sa (034) 4345998.
Gaganapin ang awarding sa June. Bawat Artist is conferred a medallion and citation, P100,000 cash net of taxes, monthly life pension, medical and hospitalization benefit, life insurance coverage, a place of honor at state functions, national commemoration ceremonies and other cultural events and arrangement and expenses for a state funeral.
Dahilan lang ito sa nabaitan si Mr. Lee at nagandahan sa ugali ni Nene.
Mayron nang nakahandang bahay at lupa para sa susunod na PBB winner, P1.5M ang halaga sa Chateau Valenzuela, Valenzuela, Bul.
May mga bahay na nagkakahalaga ng P700,000-P1.5M at pwedeng makuha sa "No Down Payment Equity" at madaling bayaran ang financing scheme. Maaaring makabili sa pamamagitan ng Pag-IBIG Fund.
Kung gusto nyong maging kapitbahay ang mga PBB winners, call kayo sa #292-8888.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am