^

PSN Showbiz

Walang masabing masama si Top sa Freestyle

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Paglabas ng solo album na "Carry On" ni Top Zuzara, mula sa Universal Records, tiyak na mabubuhay muli ang kontrobersya tungkol sa pag-alis niya sa grupong Freestyle.

Mula kasi sa first hit nilang "Before I Let You Go" ay marami ng sinulat at kinanta ni Top para sa Freestyle ang naging big hits. Noong isang taon nga ay umalis siya sa grupo at hindi man narinig sa kanya kung ano ang tunay na dahilan.

Kahit may animosity at differences si Top at isang miyembro ng grupo, nanahimik na lang siya at sinolo ang kanyang heartbreak.

Buti na lang at na-convert ni Top sa positive energy ang lahat ng ito. Sa loob ng pitong buwan nakasulat pa siya ng magagandang kanta at naisaplaka ito.

Ang post-Freestyle phase ng music career ni Top Suzara, maririnig lahat sa "Carry On" album. Sa titulo na lang may personal na ibig sabihin na. Dapat talagang ipagpatuloy ni Top ang pagkanta at paglikha ng kanta.

"Habang meron musika sa aking katawan gusto ko namang i-share ito sa mga tao," sabi ni Top. "Masaya talaga ako kapag napapakinggan ninyo at nagugustuhan ang mga kanta ko."

Ang mapupuri pa kay Top, kahit anong negatibong bagay tungkol sa Freestyle, wala siyang sinabi. Ang pahayag niya, mahalagang bahagi ng kanyang buhay ang halos siyam taon niyang pagiging bahagi ng Freestyle at naging maganda naman ang kanilang samahan.

"Marami akong natutunan sa kanila," dagdag pa ni Top.

Sa "Carry On" album, kasama ang "Sabihin Mo Na" ang carrier single na ginawa ng music video.
* * *
Panahon na naman ng Aliw Awards at lumabas na ang kanilang mga finalists para sa darating na pagbibigay ng mga karangalan sa ating mga singers, composers, musicians, arrangers at producers ng music industry.

Nang makita namin na nominated si Nikki Gil sa Best New Female Artist category para sa kanyang kantang "Sakayan ng Jeep", nasambit agad na tiyak na ang panalo niya.

Si Gary Valenciano naman, kalaban ang kanyang sarili–bukod kina Martin Nievera at Jed Madela– sa Best New Male Artist competition. Three times kasing nominated si Gary V for three different songs: "Break Me", "Ikaw Lamang" at "Lipad ng Pangarap".

Sa Best Female Artist division, mukhang magiging mahigpit ang laban nina Regine Velasquez ("Shine") at Nina ("Love Moves In Mysterious Ways").

ALIW AWARDS

BEFORE I LET YOU GO

BEST NEW FEMALE ARTIST

BEST NEW MALE ARTIST

BREAK ME

CARRY ON

GARY V

IKAW LAMANG

TOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with