Sexy star dati, matagumpay na negosyante ngayon!
March 26, 2006 | 12:00am
2004 pa nang huling mapanood si Veronica Veron sa mga pelikulang Batas ng Lansanagn, isang FPJ starrer, at Tomagan ni Jestoni Alarcon. Lumalabas pa rin naman siya ngayon, sa Daisy Siete pero, hindi na sa pag-arte naka-sentro ang kanyang atensyon ngayon kundi sa lumalago niyang negosyo, ang VMV Facial & Body Care, na ang ika-anim na branch na matatagpuan sa BF Homes, Parañaque ay binasbasan nung Linggo.
Pansamantalang nawala si Veronica dahil nag-aral siya ng pagpapaganda sa abroad. Pumunta siya ng Europe, Malaysia, Thailand at Hongkong para mag-aral ng latest trend sa pagpapaganda. Ang maganda sa negosyo niya ay siya ang gumagawa ng mga sarili niyang cosmetics, soap, lotions, cream, pressed powder, toner, atbp. Mayron siyang isang magaling na chemist na Pinoy na siyang nagtitimpla ng mga cosmetics na ibinibenta sa kanyang beauty centers. Nagbibigay na rin siya ng franchise at sa halagang P600,000 ay pwedeng nang magsimula ng negosyo na gamit ang kanyang pangalan. Meron siyang mga international team of experts na siyang nagsisilbing mga trainors.
Ni-repackage pala ang self-titled album ni Nikki Gil na nagtatampok sa "Glowing Inside", isang track sa album na ginagamit nang graduation song ngayon. Ginawan ito ng EMI Philippines ng minus one track & music video para mas madaling makanta at mapag-aralan ng mga gustong gumamit.
Ito pa rin naman ang awitin na ginagamit sa Vaseline commercial niya.
Isang Kapamilya si Nikki na mapapanood sa Studio 23, MYX at kahit na abala siya sa kanyang showbiz career ay hindi pa rin siya nawawala sa honor roll sa kanyang iskwela. Ang "Glowing Inside" ay komposisyon nina Louie Ocampo at Edith Gallardo.
Nagkapirmahan na ng kontrata ang GMA Network Inc. at ang pamilya ni Mars Ravelo para sa TV serialization ng Captain Barbell. Si Mars Ravelo ang lumikha ng napakaraming Pinoy comic book icons tulad ng Darna. Malapit nang mapanood sa GMA ang Captain Barbell na ang gaganap ay si Richard Gutierrez.
Pansamantalang nawala si Veronica dahil nag-aral siya ng pagpapaganda sa abroad. Pumunta siya ng Europe, Malaysia, Thailand at Hongkong para mag-aral ng latest trend sa pagpapaganda. Ang maganda sa negosyo niya ay siya ang gumagawa ng mga sarili niyang cosmetics, soap, lotions, cream, pressed powder, toner, atbp. Mayron siyang isang magaling na chemist na Pinoy na siyang nagtitimpla ng mga cosmetics na ibinibenta sa kanyang beauty centers. Nagbibigay na rin siya ng franchise at sa halagang P600,000 ay pwedeng nang magsimula ng negosyo na gamit ang kanyang pangalan. Meron siyang mga international team of experts na siyang nagsisilbing mga trainors.
Ito pa rin naman ang awitin na ginagamit sa Vaseline commercial niya.
Isang Kapamilya si Nikki na mapapanood sa Studio 23, MYX at kahit na abala siya sa kanyang showbiz career ay hindi pa rin siya nawawala sa honor roll sa kanyang iskwela. Ang "Glowing Inside" ay komposisyon nina Louie Ocampo at Edith Gallardo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended