Amalia, magsasalita laban kay Liezl!
March 24, 2006 | 12:00am
Masamang-masama na talaga ang loob ni Amalia Fuentes laban sa anak niyang si Liezl. Ito ay ukol diumano sa walang kamatayang intriga na pinabayaan niya si Liezl, kasama ang asawang si Albert Martinez at mga anak nila nung mga panahong nakatira pa sila sa Amerika at naghihikahos pa sa buhay. Na hindi raw tinulungan ni Amalia ang mga ito.
Lumabas kasi kamakailan lang sa isang English glossy magazine ang limang-pahina na personal account nina Liezl at Albert ng mga naging paghihirap nila noon sa Amerika at sa early stages ng married & family life nila. Sinabi roon na natutulog lang sila sa banig, na kailangang magtrabaho si Albert ng mga odd jobs just to sustain them.
Nang mabasa ito ni Tita Nena (Amalia), muli siyang nag-react. Ni walang binanggit sina Liezl at Albert na tumulong din naman siya sa kanila noon. Patuluy- tuloy na hindi maalis-alis ang impresyon kay Tita Nena na parang hindi siya naging mabuting ina para kay Liezl.
"Bahay ko ang tinirhan nila nun sa Amerika, panong mangyayari na pinabayaan ko sila?" sabi pa ni Tita Nena. "Nung manganak si Liezl kay Alyanna roon, ako pa ang nagbayad sa ospital dahil anak ko siya. May mga pictures din ako na kuha sa birthday ni Alyanna roon sa Amerika at naron mismo ako at nagpa-party sa kanila. Nung binyag ni Alfonso dun sa Amerika ay naron din ako. May mga litrato rin akong kuha roon. So paano mangyayari na naging pabaya akong ina sa kanya? Anytime ay puwede kong ipakita ang mga ebidensiya ko."
Matagal na panahon na raw na tinanggap ni Tita Nena si Albert bilang son-in-law niya. Kaya hindi na raw dapat gawing isyu pa rin ito hanggang ngayon.
"Its already a dead issue, bakit binubuhay pa rin nila hanggang ngayon?" sabi pa ulit niya. "Kaya ngayon, gusto ko na talagang ituwid ang lahat ng mga kasinungalingan na pinupukol nila sa akin. I know what the truth is, ang pagiging isang ina ko rin ang mas nasasaktan sa patuloy nilang pagsira sa aking pangalan."
Matagal na panahon na palang nagtiis si Tita Nena ukol sa bagay na yon. Matagal na panahon na siyang sinasaktan at nasasaktan. Sa edad ngayon ni Tita Nena, sa palagay niya, dapat nang maklaro ang lahat ng iyon. At tila mas galit na ngayon si Tita Nena sa anak niyang si Liezl kaya magsasalita na siya ngayon laban dito.
"Minsang nagkausap kami ni Albert sa telepono, panay na ang complain niya kay Liezl," sabi pa ni Tita Nena. "Tila magiging pasang-krus daw niya si Liezl."
Sana naman, maayos na ni Liezl ang tampo ng kanyang ina sa kanya. Sa naman ay bigyan niya ng acknowledgement si Tita Nena na sumuporta rin naman noon sa kanila sa Amerika. Huwag na sana siyang magmalaki sa ina niya, dahil pagbalig-baligtarin man ang mundo-nag-iisa pa rin ang Amalia Fuentes- isang napakauliran at tunay na aktres ng bansa! ROBERT SILVERIO

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended