Hindi ang mga artista kundi ang direktor ang bida sa presscon ng Pamahiin
March 24, 2006 | 12:00am
Launching daw ni Dennis Trillo ang horror movie ng Regal na pinamagatang Pamahiin. And yet, the movie has three other stars playing major roles in the filmPaolo Contis, Iya Villania and Marian Rivera.
Siguro nga kung ang role ang pag-uusapan, pinaka-matingkad ang role ni Dennis sa kanilang apat. Siya ang gumaganap ng Noah, ang kabarkadang bumalik mula sa US para imbestigahan ang kamatayan ng isang kaibigan, si Damian (Paolo) na sinasabing nagpakamatay.
Kung launching ito ni Dennis, nagdi-debut din dito ang direktor na si Rahyan Carlos, isang baguhang direktor sa pelikula pero matagal nang sumusulat ng istorya sa pelikula at nagdi-direk na rin sa TV. It was his uncle, the late director Chaning Carlos who encouraged him to direct nang kunin siya nito bilang assistant director? Pumunta lamang ito ng US para magpagamot pero, dun na inabot ng kamatayan. Dinidirek ni Rahyan ang isa nitong pelikula nang mabalitaan nito ay pagkamatay ng tiyuhin.
Bida si Direk Rahyan sa presscon ng kanyang pelikulang Pamahiin nung isang gabi. Maraming press ang gustong malaman ang mga bagay na nagdala sa kanya sa pelikula, ang mga credentials niya, may karapatan ba siyang maging direktor. But of course, pinatunayan niya ito, di lamang sa pagsasabi ng mga karanasan niya sa trabahong ito kundi maging sa trailer ng Pamahiin na marami ang na-impress. Nakakatakot talaga ang movie pero nagawa pa niya itong lagyan ng arte. Tulad nung mga itim na paru-paro na nagbabadya ng lagim pero at the same time ay nakakatulong para mapaganda ang pelikula.
Sinabi ni Direk Rahyan na talagang nag-research siya para makaipon ng maraming pamahiin na ang mas kilala at nakakatakot ay inilagay niya sa kanyang pelikula. Pinanood din niya ang lahat ng mga Asian horror movies para magkaron siya ng ideya kung paano maiiba ang kanyang proyekto sa mga napanood niya. At sa malas ay nagtagumpay siya sa Pamahiin.
.
Nakabalik na si Candy Pangilinan sa trabahong mahal niya at alam na alam niya ang pagiging isang stand-up comedian. Lubhang matagumpay ang Candys Be Love na napanood nung Peb. 15 sa direksyon ni Andrew de Real kung kaya ibabalik niya ito sa Music Museum sa Abril 8. Magkakaron siya muli ng mga surprised guests including sexy Jeni Hernandez at ang commercial model na si William de Vaughn.
Ang Candys Be Love? The Repeat ay may mga tiket na nagkakahalaga ng P1,500, P1,000, P850 at P500. Tumawag sa 9141104 (Xzone Ent.), o 7216726/8919999 (Ticketworld) at 7216726 (MM).
Dumarami na ang assignment ng kambal na dati ay konektado sa ABS CBN, ang Jaboom Twins, sina Jaja at Boomboom. Napapanood sila sa Encantadia ng GMA7 na kung saan ay markado ang role nila bilang mga magnanakaw na kapanalig ni Jay-R. Regular din sila sa Laugh to Laugh, QTV 11, Lunes hanggang Biyernes, -8:30NG. Daldakina at mga pasaway sila at tulad ng mga kasamahan nilang sina Ryan Yllana, Boy 2 Quizon, Julia Clarete, Juliana Palermo, Wilma Doesnt at Alfred Vargas ay nagbibigay sila ng mga sketches tungkol sa buhay ng mga mayaman at mahirap.
Dumadayo rin sila sa maraming lugar para magpalaro. Kakaibang palaro ang ginagawa nila na ang sentro ay katatawanan. Sa nakaraan nilang episode, naging guest sina Camille Prats, Andrew Wolfe at Luis Alandy.
Siguro nga kung ang role ang pag-uusapan, pinaka-matingkad ang role ni Dennis sa kanilang apat. Siya ang gumaganap ng Noah, ang kabarkadang bumalik mula sa US para imbestigahan ang kamatayan ng isang kaibigan, si Damian (Paolo) na sinasabing nagpakamatay.
Kung launching ito ni Dennis, nagdi-debut din dito ang direktor na si Rahyan Carlos, isang baguhang direktor sa pelikula pero matagal nang sumusulat ng istorya sa pelikula at nagdi-direk na rin sa TV. It was his uncle, the late director Chaning Carlos who encouraged him to direct nang kunin siya nito bilang assistant director? Pumunta lamang ito ng US para magpagamot pero, dun na inabot ng kamatayan. Dinidirek ni Rahyan ang isa nitong pelikula nang mabalitaan nito ay pagkamatay ng tiyuhin.
Bida si Direk Rahyan sa presscon ng kanyang pelikulang Pamahiin nung isang gabi. Maraming press ang gustong malaman ang mga bagay na nagdala sa kanya sa pelikula, ang mga credentials niya, may karapatan ba siyang maging direktor. But of course, pinatunayan niya ito, di lamang sa pagsasabi ng mga karanasan niya sa trabahong ito kundi maging sa trailer ng Pamahiin na marami ang na-impress. Nakakatakot talaga ang movie pero nagawa pa niya itong lagyan ng arte. Tulad nung mga itim na paru-paro na nagbabadya ng lagim pero at the same time ay nakakatulong para mapaganda ang pelikula.
Sinabi ni Direk Rahyan na talagang nag-research siya para makaipon ng maraming pamahiin na ang mas kilala at nakakatakot ay inilagay niya sa kanyang pelikula. Pinanood din niya ang lahat ng mga Asian horror movies para magkaron siya ng ideya kung paano maiiba ang kanyang proyekto sa mga napanood niya. At sa malas ay nagtagumpay siya sa Pamahiin.
Ang Candys Be Love? The Repeat ay may mga tiket na nagkakahalaga ng P1,500, P1,000, P850 at P500. Tumawag sa 9141104 (Xzone Ent.), o 7216726/8919999 (Ticketworld) at 7216726 (MM).
Dumadayo rin sila sa maraming lugar para magpalaro. Kakaibang palaro ang ginagawa nila na ang sentro ay katatawanan. Sa nakaraan nilang episode, naging guest sina Camille Prats, Andrew Wolfe at Luis Alandy.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended