Magkakaron ng QC Filmfest
March 23, 2006 | 12:00am
May magandang mungkahi ang konsehal ng 4th District ng Quezon City na si Atty. Ariel Inton kung saan balak nilang magkaroon ng Human Rights Film Festival sa Quezon City sa pakikipagtulungan sa Human Rights Commission. Ang mga pelikulang sasali ay may tema tungkol sa karapatan ng tao at kung paano ito ipaglalaban.
"Balak naming ilunsad ito middle of this year pero we will not compete with the Metro Manila Film Festival. Hindi ito labanan sa boxoffice kundi we want to propagate the theme of human rights," anang konsehal.
Isa si Konsehal Inton sa aktibong katuwang ni Mayor Sonny Belmonte sa mga proyekto sa Kyusi lalo na pagdating sa kalinisan. Nagpasa na rin ito ng ordinansa tungkol sa anti-film piracy dahil naniniwala siya na ang pamimirata ang pangunahing dahilan kaya nananamlay ang pelikulang Tagalog.
Aalis ngayong Abril si Mara Isabella Lopez patungong New York kung saan magda-dubbing ito para sa promosyon ng Following Rosa, isang independent film ng Fil-Am director na si Ron Morales. Gagampanan ni Mara ang papel ni Sel, isang Sampaguita vendor sa railroad tracks, na isang battered child.
Tutulong din ito sa promosyon ng pelikula na magiging entry sa Sundance Film Festival. Fourteen years old lang si Mara na member ng Star Circle Batch 13.
Nakasama ito sa Lastikman at sa digital film na Mathew, Mark, Luke and John. Mana si Mara sa kanyang inang si Maria Isabel na lumabas din sa international film sa Dune Warriors at Kill Bill na tinampukan ni David Carradine.
"Balak naming ilunsad ito middle of this year pero we will not compete with the Metro Manila Film Festival. Hindi ito labanan sa boxoffice kundi we want to propagate the theme of human rights," anang konsehal.
Isa si Konsehal Inton sa aktibong katuwang ni Mayor Sonny Belmonte sa mga proyekto sa Kyusi lalo na pagdating sa kalinisan. Nagpasa na rin ito ng ordinansa tungkol sa anti-film piracy dahil naniniwala siya na ang pamimirata ang pangunahing dahilan kaya nananamlay ang pelikulang Tagalog.
Tutulong din ito sa promosyon ng pelikula na magiging entry sa Sundance Film Festival. Fourteen years old lang si Mara na member ng Star Circle Batch 13.
Nakasama ito sa Lastikman at sa digital film na Mathew, Mark, Luke and John. Mana si Mara sa kanyang inang si Maria Isabel na lumabas din sa international film sa Dune Warriors at Kill Bill na tinampukan ni David Carradine.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended