Sino ang lalabas na pinaka-magaling sa Moments of Love?
March 22, 2006 | 12:00am
Sabi sa press release ng pelikulang Moments of Love ng GMA Films ay masusubukan ang galing sa pag-arte ng tatlong gumaganap ng major characters sa movie na sina Iza Calzado, Dingdong Dantes at Karylle.
Sa kwento ng movie, si Dingdong ay gumaganap bilang si Marco, isang lalaki sa kasalukuyang taon (2006) na umiibig sa isang babae, si Divina (Iza) na mula sa nakaraan (1957). Si Karylle si Lianne, ang babaeng nagmamahal kay Marco sa kasalukuyan, ngunit binale-wala nito.
Ito ang unang dramatic role ni Dingdong at ayon kay Direk Mark Reyes ay naipakita niya ang lawak ng kanyang galing sa pag-arte. Sa isa ngang eksena na kinunan on location, hindi napigilan ng buong cast and crew na umiyak dahil nadala sila ng kanilang emosyon habang umaarte si Dingdong ng labis na paghihinagpis dahil nawalan ng isang minamahal.
Bagay naman kay Iza ang kanyang role ng isang babaeng nakulong sa nakaraan. Never niyang na-exaggerate ang kanyang acting. Hindi man sila loveteam ni Dingdong, hindi maiiwasan na di mapansin ang maganda nilang chemistry on-screen na nagbigay daan para kiligin ang maraming manonood ng pelikula.
Si Karylle naman ay nagpakita rin ng galing sa pag-arte bilang babaeng nasa harapan lamang ni Marco, tumatawag sa puso nito subalit di niya naririnig.
Balak ng GMA Films na i-export ang movie at siguro nga isang magandang oportunidad ito para naman makita sa ibang bansa na mahuhusay tayong craftsmen, pagdating sa pelikula, hindi tayo maaaring mahuli.
Maliban sa kanilang tatlo, mga de-kalibreng artista rin ang kasama nila: Ian Veneracion, Valerie Concepcion, Chinggoy Alonzo, Ces Quesada, Amang Quiambao, Sandy Andolong, Isabel Oli, Dion Ignacio, Paolo Contis at Gloria Romero.
Mapapanood na ang Moments of Love sa Marso 29.
Isang London-based trio ang Sugarbabes na ang album na "Taller in More Ways" ay nakapaglabas na ng dalawang hits, una ang "Push the Button" at ang kasalukuyang umaakyat sa top hits chart na "Ugly (People Are All The Same)". May mahalagang mensahe na ipinahahatid ang awitin, na maging sino ka man, ano man ang itsura mo, saan ka man galing, wala kang pagkakaiba sa ibang tao at kailangang itrato ng kapareho rin nila. Ito ang gustong tiyakin ng Sugarbabes.
Isang local artist ang Solace na pinagkakamalan ng marami na isang foreign group dahil ang awitin nilang "Never Easy" ay parang imported. Rock ito pero, hindi rock na rock.
Maganda ang pagkakagawa ng kanilang album ng Paragon Records, may mataas na kalidad. Kapag una mo itong marinig ay gusto mong ulit-ulitin ang pakikinig. Ganito ka-infectious ang music ng Solace. Try mo. Im sure narinig mo na ito, di mo lang alam na Solace pala ang kumakanta.
[email protected]
Sa kwento ng movie, si Dingdong ay gumaganap bilang si Marco, isang lalaki sa kasalukuyang taon (2006) na umiibig sa isang babae, si Divina (Iza) na mula sa nakaraan (1957). Si Karylle si Lianne, ang babaeng nagmamahal kay Marco sa kasalukuyan, ngunit binale-wala nito.
Ito ang unang dramatic role ni Dingdong at ayon kay Direk Mark Reyes ay naipakita niya ang lawak ng kanyang galing sa pag-arte. Sa isa ngang eksena na kinunan on location, hindi napigilan ng buong cast and crew na umiyak dahil nadala sila ng kanilang emosyon habang umaarte si Dingdong ng labis na paghihinagpis dahil nawalan ng isang minamahal.
Bagay naman kay Iza ang kanyang role ng isang babaeng nakulong sa nakaraan. Never niyang na-exaggerate ang kanyang acting. Hindi man sila loveteam ni Dingdong, hindi maiiwasan na di mapansin ang maganda nilang chemistry on-screen na nagbigay daan para kiligin ang maraming manonood ng pelikula.
Si Karylle naman ay nagpakita rin ng galing sa pag-arte bilang babaeng nasa harapan lamang ni Marco, tumatawag sa puso nito subalit di niya naririnig.
Balak ng GMA Films na i-export ang movie at siguro nga isang magandang oportunidad ito para naman makita sa ibang bansa na mahuhusay tayong craftsmen, pagdating sa pelikula, hindi tayo maaaring mahuli.
Maliban sa kanilang tatlo, mga de-kalibreng artista rin ang kasama nila: Ian Veneracion, Valerie Concepcion, Chinggoy Alonzo, Ces Quesada, Amang Quiambao, Sandy Andolong, Isabel Oli, Dion Ignacio, Paolo Contis at Gloria Romero.
Mapapanood na ang Moments of Love sa Marso 29.
Maganda ang pagkakagawa ng kanilang album ng Paragon Records, may mataas na kalidad. Kapag una mo itong marinig ay gusto mong ulit-ulitin ang pakikinig. Ganito ka-infectious ang music ng Solace. Try mo. Im sure narinig mo na ito, di mo lang alam na Solace pala ang kumakanta.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended