Anak ni Gretchen, kasama sa entourage ng kasal ni Claudine
March 20, 2006 | 12:00am
Abangan ang unang paglabas ng Majika ngayong gabi. Kung nagustuhan nyo ang Darna, Encantadia, Mulawin, tiyak na maiibigan nyo rin naman ang Majika sa pangunguna nina Angel Locsin at Dennis Trillo.
Bakit hindi gaganda, kita nyo naman sa teaser pa lang, hanga na ang lahat dahil talaga namang ginastusan ito ng GMA-7.
Ang daming naawa kay Darius Razon sa pagpanaw ng kanyang anak na si Denver Razon.
Humihingi ng katarungan si Darius sa nangyari sa kanyang anak. Bagamat sinasabi ng driver ng truck na hindi niya nasagi ang kotse dahil wala raw itong marka sa kanilang sasakyan, hindi puwedeng basta na lang kalimutan ang nangyari. Siyempre, gusto pa ring malaman ni Darius kung ano ang totoong nangyari na kumitil sa buhay ng kanyang anak.
Hindi pa makausap ni Darius ang kasama ni Denver na babae na siyang nagmamaneho ng kotse dahil hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin ito.
Ganunpaman ipinaaabot ko ang taos pusong pakikiramay kay Darius. Alam naman ng lahat na si Denver ay naging bahagi rin ng Thats Entertainment.
Marami ang nagtatanong kung dadalo si Gretchen Barretto sa kasal ni Claudine at Raymart Santiago. Pero ang ipinagtataka ng mga tao ay kung paano sinasabi na hindi raw imbitado si Gretchen samantalang kasama sa entourage ang anak mismo ni Gretch.
Pero sana naman, kahit ano ang naging alitan nila ay maayos na ito dahil pamilya pa rin naman sila at para maging masaya ang lahat di ba?
Lumalaban sa ratings ng Encantadia ang tambalan nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual sa ABS-CBN, ang Sa Piling Mo. Patunay lang ito na may hatak at followers pa rin sina Juday at Piolo.
Talagang nandiyan pa rin ang mga tagahanga ng dalawa kahit meron nang Ryan Agoncillo si Juday. Pero salamat sa mga fans dahil matured na sila ngayon at alam nilang may sari-sarili na silang buhay.
Bakit hindi gaganda, kita nyo naman sa teaser pa lang, hanga na ang lahat dahil talaga namang ginastusan ito ng GMA-7.
Humihingi ng katarungan si Darius sa nangyari sa kanyang anak. Bagamat sinasabi ng driver ng truck na hindi niya nasagi ang kotse dahil wala raw itong marka sa kanilang sasakyan, hindi puwedeng basta na lang kalimutan ang nangyari. Siyempre, gusto pa ring malaman ni Darius kung ano ang totoong nangyari na kumitil sa buhay ng kanyang anak.
Hindi pa makausap ni Darius ang kasama ni Denver na babae na siyang nagmamaneho ng kotse dahil hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin ito.
Ganunpaman ipinaaabot ko ang taos pusong pakikiramay kay Darius. Alam naman ng lahat na si Denver ay naging bahagi rin ng Thats Entertainment.
Pero sana naman, kahit ano ang naging alitan nila ay maayos na ito dahil pamilya pa rin naman sila at para maging masaya ang lahat di ba?
Talagang nandiyan pa rin ang mga tagahanga ng dalawa kahit meron nang Ryan Agoncillo si Juday. Pero salamat sa mga fans dahil matured na sila ngayon at alam nilang may sari-sarili na silang buhay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended