Tulong ni Marissa bumalik sa kanya
March 19, 2006 | 12:00am
Masayang-masaya si Marissa del Mar habang nagbabalik-tanaw sa unang taon ng kanyang IBC-13 TV show na Up Close and Personal.
Noong nakipag-meeting sa akin ang mga producers naitanong ko pa kung seryoso sila na ako ang kuning host ng show.
Noon kasi tila hindi buo ang self-confidence ni Marissa na magdala ng isang TV show. Matagal na siyang wala sa limelight, kaya aminado siyang daig pa niya ang nangangapa sa dilim kapag nagbalik sa showbiz.
Ang kaso, malaki ang tiwala sa kanya ng mga producers kayat natuloy ang Up Close and Personal.
Sa unang taon namin medyo abonado pang talaga, agad inamin ng showbiz personality-turned-civic leader. Sa ikalawang taon nakaka-break even na at lumalampas pa.
Sa third year ng Up Close and Personal smooth sailing na at talagang kumikita nang husto.
Simula noon, hindi na naglabas ng pera ang producers, matamis na ang ngiti ni Marissa habang nagkukuwento. Ganito pala sa TV kapag established na ang show ay dumarami pati mga viewers.
Ang format kasi ng Up Close and Personal talagang people oriented. Gusto pa ni Marissa na pawang mga positibong bagay ang idulot sa mga televiewers. Kaya sa show niya mapapanood ang mga inspiring success stories. Kapangyarihan dapat pamarisan,
Nadagdag pa ng public service portion sa show si Marissa, kayat higit na maraming tao ang natutulungan niya ngayon.
Dahil din dito, napatunayan mismo kay Marissa kung paano bumabalik ang maraming tulong na nagawa sa kapwa.
Noong operahin ang kanyang ama sa puso, nangailangan ng 35 bags ng dugo at pinakamahirap pa naman ang blood type ng tatay niya na hanapan ng donor. Nilibot ng mga kapatid niya ang lahat ng ospital sa Kamaynilaan, pero paisa-isa lang bag ang nakuha nila.
Sumugod pa sa Makati Med. ang 50 sundalo para mag-donate ng dugo. Akala tuloy doon magkakaroon ng coup d etat. Sa dami ng militar na nandoon, isang bag din lang ang nakuha.
Tumawag sa Red Cross ang halos desperada ng si Marissa. Ang nakausap niya ay isang babaeng nanonood pala ang Up Close and Personal.
Nang makilala agad si Marissa, nagsabing natulungan niya ang isang makag-anak ng taga-Red Cross, at ilan pang kapitbahay niya ang nabigyan na rin ng tulong ng show. Agad nangako ang babaeng maghahagilap ng dugo para sa tatay ni Marissa ng buong gabing iyon.
Sa buong magdamag, mahigit pang 35 bags ang naipon nila at natuloy ang operayson ng tatay niya at tuluyan ng naisalba ang buhay at gumaling.
Sa pagdiriwang ng anibersaryo ng UP Close and Personal? na napapanood sa IBC-13 tuwing Miyerkules ng gabi, naging higit na makabuluhan dahil nagbigay ng mga parangal ang VACC (Colunteers Against Crime and Corruption (na aktibo si Marissa) sa mga maraming nagawang tulong para masugpo ang kriminalidad at katiwalian.
Sa mga kababayan natin na gustong humingi ng tulong o ibig makatulong sa mga nangangailangan, maaaring tumawag kay Marissa DelMar sa 0917-8348992 at 9277882.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended