Ethel, tinuruan ng table manners
March 19, 2006 | 12:00am
Ayon kay Ethel Booba kung pasaway siya sa Extra Challenge iba naman ang katauhan niya sa bagong programang Jologs Guide dahil para siyang teacher dito na nagga-guide sa manonood para maging totoo sa sarili.
Sa show matututo tayo ng table manners kay Tessa Prieto. Tuturuan tayo rito kung paano ang gagawin ng isang jologs kapag naimbitahan sa isang sosyal na handaan at iba pa.
Tinanong din si Ethel kung handa na ba siyang makipag-reconcile kay Alex Crisano.
Hindi pa sa ngayon dahil naka-concentrate ako sa aking career sey ng seksing host.
Naiilang si Dennis Trillo dahil first time niyang ipakita ang tiyan na litaw ang pusod sa teleseryeng Majika.
Tinanong siya tungkol sa intrigang may anak na siya na two years old na ngayon.
Kung sakaling totoo ang balita at mayroon akong anak ay bakit ko naman siya itatago. Walang dahilan para ikahiya ko siya. Never kong itatago ang aking anak, anang aktor.
Sinabi ni Rainier Castillo na isa siyang certified jologs. Marami siyang mamili ng damit kapag nagsa-shopping pero hindi mahal kundi yaong mura lang ang halaga.
Praktikal lang naman ako at wise spender. Ok lang na mapagkamalan akong kuripot bastat alam ko ang tamang paghawak ng pera aniya.
Summer na naman at uso na naman ang mga larong kalyeng ating nakagisnan mula pa noong tayoy mga bata.
At bukas sa Sis, magiging sing-init ng summer ang magiging kasiyahan dahil ang larong kalyeng ating kinagigiliwan ay dadalhin sa studio at siyang paglalabanan ng mga bisita.
Panoorin ang nakakatuwang teamwork ng mag-amang Dino Guevarra at Ethan, Jim at Paul Salas, Joshua Zamora at Javen at KC Montero at Heaven sa kanilang pagsubok sa ibat ibang larong kalyeng kanilang paglalabanan.
Sikat ang komedyanang ito na kapag nainterbyu at lumabas ang write-up niya nagpapasalamat naman at nangangako ng I have something for you, sabay kuha ng address ng reporter. Hindi niya ito tinutupad.
Minsan, nakita siya ng reporter at pinaalala ang pangako niya. Muling kinuha ng komedyana ang address ng reporter sabay sabi sa paboritong linyang One of these days. Six months na ang nakalilipas pero ni anino niya, hindi nakita ng reporter na malapit sa sikat na komedyana.
Sa show matututo tayo ng table manners kay Tessa Prieto. Tuturuan tayo rito kung paano ang gagawin ng isang jologs kapag naimbitahan sa isang sosyal na handaan at iba pa.
Tinanong din si Ethel kung handa na ba siyang makipag-reconcile kay Alex Crisano.
Hindi pa sa ngayon dahil naka-concentrate ako sa aking career sey ng seksing host.
Tinanong siya tungkol sa intrigang may anak na siya na two years old na ngayon.
Kung sakaling totoo ang balita at mayroon akong anak ay bakit ko naman siya itatago. Walang dahilan para ikahiya ko siya. Never kong itatago ang aking anak, anang aktor.
Praktikal lang naman ako at wise spender. Ok lang na mapagkamalan akong kuripot bastat alam ko ang tamang paghawak ng pera aniya.
At bukas sa Sis, magiging sing-init ng summer ang magiging kasiyahan dahil ang larong kalyeng ating kinagigiliwan ay dadalhin sa studio at siyang paglalabanan ng mga bisita.
Panoorin ang nakakatuwang teamwork ng mag-amang Dino Guevarra at Ethan, Jim at Paul Salas, Joshua Zamora at Javen at KC Montero at Heaven sa kanilang pagsubok sa ibat ibang larong kalyeng kanilang paglalabanan.
Minsan, nakita siya ng reporter at pinaalala ang pangako niya. Muling kinuha ng komedyana ang address ng reporter sabay sabi sa paboritong linyang One of these days. Six months na ang nakalilipas pero ni anino niya, hindi nakita ng reporter na malapit sa sikat na komedyana.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am