Masarap makasama sa No. 1
March 18, 2006 | 12:00am
Dalawampung taon na ang Pilipino Star Ngayon. Isa ito sa mga kauna-unahang diyaryo na inilabas matapos ang matagumpay na EDSA People Power Revolution noong1986. Ang Pilipino Star Ngayon, ay mabilis na naging paborito ng masa dahil nakita nila ang mga balitang walang kinikilingan, at walang kinatatakutan, di tulad ng mga naunang mga diyaryo na produkto pa ng martial law.
Pero yong mga mas may edad na kagaya namin, matatandaang bago magkaroon ng martial law ay mayroon ng Pilipino Star, na ang may-ari ay si Andrew Go na kapatid naman ng founder nang Ang Pilipino Star Ngayon na si Betty Go-Belmonte. Noong panahong yon, ang Pilipino Star ay isa rin sa mga nangungunang diyaryong Tagalog, pero itinigil nga nila dahil sa pagtanggi nilang ilabas ang diyaryo sa ilalim ng martial law.
Kaya nga nagpanibagong tatag ang Pilipino Star Ngayon, at unang nakilala bilang Ang Pilipino Ngayon simula noong 1986.
Simula noon hanggang ngayon, nananatiling hamon sa mga manunulat sa entertainment ng Pilipino Star Ngayon na ihatid ang mga pinakahuli at sariwang balita na may kaugnayan sa entertainment, at mga opinyong walang kinatatakutan sa masa. Kaya nga sinasabi nila na ang Pilipino Star Ngayon ay may pinakamalaking readership base kung entertainment ang pag-uusapan, at saka ito rin ang diyaryo na madalas na mai-quote ng mga announcer sa radyo at telebisyon. Minsan hindi man nila banggitin ang source nila, alam mo naman kung ano ang kanilang binabasa, dahil nabasa mo na nga sa umaga sa Pilipino Star Ngayon.
Sa iilang taon naming pagsusulat sa Pilipino Star Ngayon, napansin din namin na higit na marami ang nakakabasa sa aming column dito, kaysa sa alin mang sinusulatan namin. Nasasabi namin yan dahil higit na marami ang nagsasabing nababasa nila ang aming sinusulat sa diyaryong ito.
Hindi naman sa pagyayabang, iba talaga kung makakasama ka sa number one.
Isang linggo nang mahigit simula nang basta hindi na lang sumipot ang Sexbomb sa Eat Bulaga, at ang nakakatakot, mukhang hindi sila hinahanap ng audience ng show. Matindi kasi ang naging strategy ng show. Noong unang mawala ang kanilang mga dancers, pinagsayaw nila sa Laban o Bawi portion ang mga contestants ng Mr.Pogi. Tapos naman noon, nagsayaw na ang barkada ng Eat Bulaga mismo. Aba eh di mas natuwa pa ang mga tao dahil ang nagsasayaw ay mga artistang talaga, hindi dancers lang.
Pero yong mga mas may edad na kagaya namin, matatandaang bago magkaroon ng martial law ay mayroon ng Pilipino Star, na ang may-ari ay si Andrew Go na kapatid naman ng founder nang Ang Pilipino Star Ngayon na si Betty Go-Belmonte. Noong panahong yon, ang Pilipino Star ay isa rin sa mga nangungunang diyaryong Tagalog, pero itinigil nga nila dahil sa pagtanggi nilang ilabas ang diyaryo sa ilalim ng martial law.
Kaya nga nagpanibagong tatag ang Pilipino Star Ngayon, at unang nakilala bilang Ang Pilipino Ngayon simula noong 1986.
Simula noon hanggang ngayon, nananatiling hamon sa mga manunulat sa entertainment ng Pilipino Star Ngayon na ihatid ang mga pinakahuli at sariwang balita na may kaugnayan sa entertainment, at mga opinyong walang kinatatakutan sa masa. Kaya nga sinasabi nila na ang Pilipino Star Ngayon ay may pinakamalaking readership base kung entertainment ang pag-uusapan, at saka ito rin ang diyaryo na madalas na mai-quote ng mga announcer sa radyo at telebisyon. Minsan hindi man nila banggitin ang source nila, alam mo naman kung ano ang kanilang binabasa, dahil nabasa mo na nga sa umaga sa Pilipino Star Ngayon.
Sa iilang taon naming pagsusulat sa Pilipino Star Ngayon, napansin din namin na higit na marami ang nakakabasa sa aming column dito, kaysa sa alin mang sinusulatan namin. Nasasabi namin yan dahil higit na marami ang nagsasabing nababasa nila ang aming sinusulat sa diyaryong ito.
Hindi naman sa pagyayabang, iba talaga kung makakasama ka sa number one.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended