^

PSN Showbiz

Nagbabalik, Color It Red!

-
Maraming mahihilig sa OPM ang tiyak na matutuwa sa muling pagbabalik ng Color It Red, yes, sila yung bandang nagpasikat ng awiting "Paglisan" noong 90s. Akala ng marami ay di na muling mabubuhay pa ang grupo pero heto sila at may bago pang self-titled album. Anim na taon din ang hinintay ng grupo para makagawa ng isang bagong album under Alpha Music.

Twelve original songs ang nilalaman ng naturang album na masasabing mas nag-mature ang kanilang pagsusulat at pagpi-perform. At ang buong banda ay may kontribusyon na komposisyon sa naturang album. Tiyak na narinig ninyo na ang kanilang carrier single na "Dalawa" na composed ng bassist nilang si Bopip Paraguya. Ang naturang single ay isang upbeat rock love song na unti-unti nang sumisikat sa airwaves.

May 2 track sa album na mula sa "Balangga 1901" compilation, ang "From The Other Side Of The Sea" at "Sweet Freedom".

Ang current line-up ng Color It Red ay binubuo ng original members Barbi Cristi (rhythm guitar) at Cookie Chua (vocals) plus Bopip Paraguya (bass), Jayvee Torres (drums) at Sam Baja (keyboards).

Available na ang latest album ng Color It Red sa lahat ng record stores nationwide. — Dearly S. Ganaden

ALPHA MUSIC

BARBI CRISTI

BOPIP PARAGUYA

COLOR IT RED

COOKIE CHUA

DEARLY S

FROM THE OTHER SIDE OF THE SEA

JAYVEE TORRES

SAM BAJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with