^

PSN Showbiz

2 natatanging Pinoy

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Nang magsimulang magkwento si Kuya Germs tungkol sa kanyang buhay, simula nang siya ay makuhang janitor sa Clover Theater, kabilang na ang kanyang paglilinis nang mag-isa sa isang buong sinehan kapag hindi pumasok ang ibang mga janitor, ang kanyang pagiging isang sidewalk vendor noong araw, at pati na ang pagtitinda ng sandwich ng nanay niya, nagkatinginan na ang mga kasama niya dahil alam nila na mahabang kwento iyon.

Eh sa dami ng mga tao noong gabing yon, matapos ang ground- breaking ceremonies sa National Shrine ni Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas, naisip nilang baka naman mangawit ang mga nakatayong tao.

Pero hindi eh. Nagpapalakpakan ang mga tao sa kanyang success story. Maging ang Arsobispo ng Lipa Ramon Arguelles, at Obispo Rey Evangelista ng Mindoro ay panay ang palakpak sa kanya. Nagsisigawan din ang mga tao sa kanyang linyang "walang tulugan". Kasi nga sinasabi nila na very inspiring ang kanyang kwento, lalo na sa mga kabataan. Mabubuksan ang isip mo na ang isang taong nagsimula sa hirap ay maaari rin palang umasenso talaga sa buhay kagaya ni Kuya Germs, kung may sapat na sipag at tiyaga, at higit sa lahat, pananalig sa Diyos.

May prediction pa si Kuya Germs, na oras daw na maitayo na ang national shrine ni Padre Pio sa Sto,Tomas, at dumagsa na roon ang mga turista dahil sa programa ni Fr. Dale Anthony Barretto Ko at maging Shrine for Asia rin ang kanyang itinatayong simbahan, tiyak na kasabay noon ang pag-unlad ng bayan. Pero hindi basta hula iyan, talagang nangyayari naman na tumataas ang halaga ng real estate property at nagiging sentro ng negosyo saan mang lugar may tumayong simbahan.
* * *
Ibang klase ang mga Pilipino. Kagaya nga ng sinabi ni Kuya Germs na ang kailangan lamang ay sipag, tiyaga at determinasyong magtagumpay, magagawa natin ang kahit na ano para umasenso sa ating buhay.

Masasabing ganyan din ang nangyari sa isa pang Pilipino, si Mario MJ Racadio, na mula sa Pangasinan. Nagpunta siya sa US para doon subukan ang kanyang paghahanapbuhay, pero habang naroroon ay natuklasan na maaari pala siyang kumanta. Gumawa siya ng kanta, iyong "Burning Memory", at ipinasok niya sa podcasting. Iyan ang bagong uso ngayon sa musika, iyong pagbo-broadcast ng mga kanta sa pamamagitan ng internet. Sumikat ang kanyang kanta, napili iyong "Next Big Hit-Best Song 2005" sa show ng sikat na si DJ Copperhead sa New York, at doon sa contest na iyon ay tinalo pa niya si Jasmine Trias ng American Idol.

Nakilala namin si MJ, dahil dumating siya sa Pilipinas kasabay ng movie writer at publisher ng Celebrity Chronicle ng LA na si Tony Vizmonte, na umasenso rin naman at nagkaroon ng sariling diyaryo sa US dahil sa sipag at tiyaga. Naririto si MJ sa bansa hanggang sa susunod na buwan, at ang balak niya ay mag-ikot din sa mga radio at tv stations para naman makilala rin siya kahit na papaano dito sa atin. Sikat na sikat nga naman siya sa mga listeners ng internet broadcast sa US pero dito sa atin, dahil hindi pa uso ang internet broadcast, hindi siya kilala.

AMERICAN IDOL

BURNING MEMORY

CELEBRITY CHRONICLE

CLOVER THEATER

DALE ANTHONY BARRETTO KO

KANYANG

KUYA GERMS

PADRE PIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with