Type magbuntis muli ni Melanie
March 16, 2006 | 12:00am
Two years old na ang bunso ni Melanie Marquez na si Abraham. Dalawa na ang anak niya sa American husband niyang si Adam Lawyer, una si Adam, Jr. na 4 years old na at pangalawa nga itong si Abraham. Pero take note, ngayon medyo malaki na itong si Abraham, balak na siyang sundan ni Mama Melanie. This year, magbubuntis daw ulit si Mama Melanie!
"I really love kids kasi," wika pa ni Mama Melanie. "Silang mga anak ko ang nagpapasaya sa akin tuwing uuwi ako ng bahay na pagod sa work. They play with me kaya sumasaya ako. Sila ang inspirasyon ko."
Ang panganay ni Melanie na si Manuelito ay nasa Las Vegas na ngayon at teenager na. Sumunod ay si Mazenne na anak niya sa ex-Arabian bf niya na si Hameed Alzeera. Sinundan naman ito nina Dominique Xuxa at Michelle Sara na mga anak ni Melanie sa action star na si Derek Dee na pawang mga dalagita na rin. So far, lahat ng mga anak ni Melanie ay mababait at masunurin sa kanya.
"This March and April, magbabakasyon grande ako kasama ang pamilya ko sa abroad," sey pa ni Mama Melanie. "All my kids are ka-join. Pupunta kami ng Disneyland at magbi-beach sa Hawaii. Pupunta rin kami sa rantso namin sa Utah, USA at magho-horseback riding kami roon. Babalik kami in time sa pasukan ng mga bata this schoolyear."
One season lang pala ang Gng. Fashionista na show ni Mama Melanie sa QTV-11 kaya wala na ito sa ere ngayon. Okey lang daw yun kay Melanie. Anyway, marami pa rin namang mga offers sa kanya ngayon both on TV & movies.
Di-hamak na mas maganda ang Homeboy ni Kuya Boy Abunda kaysa sa Sis. Tuwing panonoorin namin ang said show ni Kuya Boy, aliw na aliw kami at marami kaming natutunan sa magagandang talakayan ng mga guest niya. Napaka-warm and sincere kasi ng approach ni Kuya Boy sa mga guest niya and the way he handle his style of hosting is nakakabilib!
"Wala kasi kaming pretensyon sa program," wika ni Kuya Boy. "Ang gusto lang namin ay makapagdulot ng entertainment sa mga tao. Pero pinagbubuti namin ng husto para sulit ang panonood nila. Robert Silverio
"I really love kids kasi," wika pa ni Mama Melanie. "Silang mga anak ko ang nagpapasaya sa akin tuwing uuwi ako ng bahay na pagod sa work. They play with me kaya sumasaya ako. Sila ang inspirasyon ko."
Ang panganay ni Melanie na si Manuelito ay nasa Las Vegas na ngayon at teenager na. Sumunod ay si Mazenne na anak niya sa ex-Arabian bf niya na si Hameed Alzeera. Sinundan naman ito nina Dominique Xuxa at Michelle Sara na mga anak ni Melanie sa action star na si Derek Dee na pawang mga dalagita na rin. So far, lahat ng mga anak ni Melanie ay mababait at masunurin sa kanya.
"This March and April, magbabakasyon grande ako kasama ang pamilya ko sa abroad," sey pa ni Mama Melanie. "All my kids are ka-join. Pupunta kami ng Disneyland at magbi-beach sa Hawaii. Pupunta rin kami sa rantso namin sa Utah, USA at magho-horseback riding kami roon. Babalik kami in time sa pasukan ng mga bata this schoolyear."
One season lang pala ang Gng. Fashionista na show ni Mama Melanie sa QTV-11 kaya wala na ito sa ere ngayon. Okey lang daw yun kay Melanie. Anyway, marami pa rin namang mga offers sa kanya ngayon both on TV & movies.
"Wala kasi kaming pretensyon sa program," wika ni Kuya Boy. "Ang gusto lang namin ay makapagdulot ng entertainment sa mga tao. Pero pinagbubuti namin ng husto para sulit ang panonood nila. Robert Silverio
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended