Ang kwento ng naudlot na love affair dahil sa PSN
March 16, 2006 | 12:00am
Kasabay ng 20th anniversary celebration ng Pilipino Star Ngayon bukas, March 17, ang launching ng PSN jingle at pagpapalabas ng PSN TV commercial, which features boxing sensation Manny quot;Pacman" Pacquiao. You read folks, mapapanood nyo na si Manny hawak ang PSN.
At part din ng 20th anniversary ang isang malaking party ng PSN sa Westin Philippine Plaza bukas ng gabi.
Bongga as in bongga ang nasabing party. Kasama lang naman sa performers sina Ogie Alcasid, Vina Morales, Rachel Alejandro and Gary Valenciano hosted by Edu Manzano and Jeni Hernandez. Makikisaya rin ang Parokya ni Edgar, Itchyworms, Kamikazee at Shamrock. Sunud-sunod na magpi-perform ang mga nasabing banda.
Pormal na ring ipakikilala ang official mascot ng PSN, si Brat Pig.
Kaya sa mga avid reader ng PSN hindi lang sa Pilipinas, kundi sa ibang bansa dahil sa aming website, naga-update sila sa mga nangyayari sa ating bayan, congratulations sa ating lahat.
By the way, maririnig nyo sa aming website, http://www.philstar.com ang PSN jingle.
Anyway, may short story lang ako about PSN. May kilig factor.
Kuwento lang ito tungkol sa ilang staff ng Bambbi Fuentes Beauty Salon, ang favorite salon ko. Patok sa ilang staff ng friend kong si Bambbi ang PSN Textpal Corner (edited by Ate Jojo Cruz). So give sila Debbie and Larizel ng photo nila. True enough, nag-publish agad. Aba right after na ma-publish, non-stop ang callers nila. May local at may mga international callers.
Naunang na-publish ang photo ni Debbie. Nang ma-realize ni Larizel na effective na makahanap ng papa sa tetxpal corner ng PSN, nagbigay na rin siya ng photo and cell number.
Kwento ni Debbie, grabe hanggang madaling araw ang callers niya. "Pero pag masyadong maaga, hindi ko talaga sinagot. Saka grabe ang text. Hindi na nagkakasya sa inbox ko," sabi ni Debbie habang nagbo-blow dry ng hair ko.
Kinikilig siya, sobra. Marami siyang ka-textmate na nag-promise ng kung anu-ano.
Pero sad ang ending dahil hindi nag-materialize lahat ng ka-textmate niya.
Iba naman ang kuwento ni Larizel. London based ang naka-text mate niya. Nagkataon nang lumabas ang photo niya sa section ni Ate Jojo Cruz nang may pumuntang Pinoy sa London. May dalang copy ng PSN ang friend ni Mr. London based. Nagandahan kay Larizel dahil in fairness maganda siya sa photo since always silang made up sa salon ni Bambbi.
Sa first few weeks, na-fall si Larizel at ganoon din si Mr. London. Kasi everyday tumatawag si Mr. London based. From morning, lunch time and dinner time. Talagang telebabad sila. At sa tagal yata ng pag-uusap nila everytime na tatawag si Mr. London, nabibingi na si Larizel at ang cellphone ang sinisisi niya. Kaya buy siya ng new phone. Nag-work out. Lalo silang nag-enjoy sa pag-uusap sa phone.
Dumating sa point na na-in love sila sa phone lang. Chef sa isang sikat na hotel si London based Pinoy.
Nakilala ni Larizel ang friends ni Mr. London dito sa Pinas. At ang the height, pinadalhan siya ng pera. May plano na rin silang bakasyon.
Wait...pero hindi rin happy ang ending.
Biglang na-cut ang kanilang communication. Walang rason. Kaya ngayon ang theme song ni Larizel "Kisapmata" ng Rivermaya at "Lagi Na Lang Umuulan" ng Cueshe.
Ang saya ng kuwento. Hindi man naging happy ang ending ng kuwento ng pag-ibig nila dahil sa PSN, pansamantala naman sumaya ang buhay nila at aminado naman sila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am