^

PSN Showbiz

Mediation process, susubukan uli nina Claudine at JoAnn

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Bakit kaya naiintriga si MTRCB Conzolisa Laguardia? Lately kasi ay may mga naglalabasan na hindi raw siya effective sa kanyang position. Pero in fairness, effective siya ha! Wala na ang mga pasaway na mga TV host compared before na kabi-kabila ang memo ng mga shows.

Anyway, saan nga ba galing ang negative issues against Chairman Laguardia? Nabasa ko na nag-deny na ang camp ni Sen. Bong Revilla na wala siyang planong i-recommend ang brother niyang si Marlon para pumalit sa posisyon ni Laguardia.

Well, sana nga matigil na ang mga ganitong issue.
* * *
Hindi kaya naba-bother si Claudine Barretto na habang papalapit ang kanilang kasal ni Raymart Santiago sa March 27, papalapit din ang pre-trial ng kasong libel sa kanya ni Ms. Jo Ann Maglipon, Editor-in Chief ng Yes Magazine.

Naka-schedule daw ang pre-trial sa March 13 and 20 sa Quezon City Regional Trial Court. Kasi siyempre kahit papaano ay may abogado siya, iniisip niya pa rin ‘yung pre-trial.

Criminal case ang nasabing kaso laban sa actress ni Ms. Maglipon kay Claudine.

Actually, nagkaroon na sana ng chance na magkasundo sila ni Ms. Maglipon. Nag-usap na ang dalawa pero naging useless dahil hindi sinunod ni Claudine ang agreement nila ni Ms. Maglipon.

Anyway, bukod pa sa pre-trial, naka-schedule din ang kanilang mediation process - trying to fix everything ng kaso sa pagitan ng dalawa ayon sa source.

Second attempt na ito ng mediation dahil no’ng first time na mag-set ng mediation, hindi dumating si Claudine kaya walang nangyari.

Sa panibagong mediation, inaasahang magkakasundo na sila at oras na mangyari ‘yun, magwi-withdraw ng kani-kanilang kaso ang both parties, depende sa pagkakasunduan ng kani-kanilang abogado. ‘Yan ay kung magkakaroon sila ng chance na mag-usap.

Affected kaya si Claudine o sanay na siya?

Isa pang nagpapagulo rin siguro ng utak ni Claudine ay ang umano’y hindi pa rin pag-confirm ng attendance ni Gretchen sa kasal nila sa Tagaytay Highlands. Pero nang mapanood naman namin siya sa The Buzz nang magkaroon siya ng Despedida de Soltera, maganda naman siya at parang limot ang problema sa mga kaso. Pero hindi man niya nararamdaman ‘yun ngayon, sigurong iisipin niya rin ‘yun.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

vuukle comment

BONG REVILLA

CHAIRMAN LAGUARDIA

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

CONZOLISA LAGUARDIA

MS. JO ANN MAGLIPON

MS. MAGLIPON

PERO

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with