Wilson Tieng, hinihintay ang apology ni Mother Lily
March 13, 2006 | 12:00am
Naging malaking tagumpay ang launching ng Metro Manila Film Festival kung saan kumpleto ang mga artista at winners na dumalo sa appreciation dinner para tanggapin ang cash incentives sa ibat ibang kategorya.
Nagkasama-sama ang mga taga-industriya kung saan nabigyan ng halaga ang media dahil ang guest speakers ay sina Alice Reyes na Vice President ng National Press Club at Jun Nicdao na chairman ng mga Kapisanan ng Broadcaster sa Pilipinas o KBP.
Nainterbyu si Wilson Tieng at tinanong kung ano ang kalagayan sa demandang inihain nito noon kay Mother Lily dahil sa intrigang nilakad niya ang mga winners (Best Actor at Director) kaya naging kontrobersyal ang produ.
"Hindi naman ako galit kundi nagtampo lang kay Mother dahil close siya sa akin pero lubha akong nasaktaan sa maling paratang niya. Magkakasundo rin kami kung hihingi siya ng paumanhin. She should make the first move," anang Wilson.
Mabait ang producer at naniniwala kami na magkakasundo rin sila ni Mother Lily gaya rin ng paniwala ni MMDA Chairman Bayani Fernando.
Sa kabilang banda, nagkita at nagkakilala na sina Wilson at Marvin Agustin sa pagdiriwang. Si Marvin ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng kontrobersya dahil ikinampanya umano ito ni Wilson para manalo.
Isa si Wilson sa aktibong miyembro ng executive committee ng MMFF at chairman ng Media Relations. Nanalo rin itong Vice President sa eleksyon ng Anti Film Piracy Council na pamumunuan ngayon ni Ric Camaligan bilang presidente.
Ayon pa rin kay Wilson, maraming pagbabago sa rules and regulations MMFFP 2006 kung saan pinakikinggan naman ng execom ang mga suhestyon ng mga taga-showbiz na sumasali sa film festival taun-taon.
Inaasahang magiging mas malaki ang gagawing pagdiriwang ngayon sa pagsali ng independent producer. Syempre sasali ulit si Mother Lily para mas masaya ang MMFF 2006.
Muling nagbabalik sa pangatlong hirit ang Sis Slumbook. Itoy nagbabalik with a twist dahil mga nakatutuwang komedyante naman ang kikilalanin ng todo.
Malalaman sa araw na ito ang mga pinakatatagong lihim at sikreto ng mga komedyanteng sina Giselle Sanchez, Teri Onor, Patricia Ysmael, Mel Martinez at Ryan Yllana mula sa kanilang personality profile personal favorite at mga sagot sa nakakaintrigang personal questions.
Pinabulaanan ni Iza Calzado na ikakasal na siya sa US-based boyfriend na si Gerry Garcia, isang investment banker at anak ng sikat na cardiologist na si Dr. George Garcia.
Ayon sa magandang aktes ay nagi-enjoy pa siya sa kanyang career at naiintindihan naman ito ng kanyang nobyo. Kahit long distance affair ito ay open naman ang kanilang komunikasyon. Magbabalik-bayan si Gerry sa Abril kaya magkikita sila.
Gwapo ang aktor na ito na isa sa matinee idol noong 80s. Dalawang taon na nang magkaroon ito ng matinding stroke kung saan naka-wheel chair na lang ito ngayon pero nakakapagsalita naman. Yun nga lang hindi maliwanag ang pagbigkas nito ng mga salita.
Nakakahinayang dahil may talino siya sa pag-arte. Sana nakikipagsabayan pa rin ito sa mga kasamahang aktor na sikat pa rin hanggang ngayon.
Nagkasama-sama ang mga taga-industriya kung saan nabigyan ng halaga ang media dahil ang guest speakers ay sina Alice Reyes na Vice President ng National Press Club at Jun Nicdao na chairman ng mga Kapisanan ng Broadcaster sa Pilipinas o KBP.
Nainterbyu si Wilson Tieng at tinanong kung ano ang kalagayan sa demandang inihain nito noon kay Mother Lily dahil sa intrigang nilakad niya ang mga winners (Best Actor at Director) kaya naging kontrobersyal ang produ.
"Hindi naman ako galit kundi nagtampo lang kay Mother dahil close siya sa akin pero lubha akong nasaktaan sa maling paratang niya. Magkakasundo rin kami kung hihingi siya ng paumanhin. She should make the first move," anang Wilson.
Mabait ang producer at naniniwala kami na magkakasundo rin sila ni Mother Lily gaya rin ng paniwala ni MMDA Chairman Bayani Fernando.
Isa si Wilson sa aktibong miyembro ng executive committee ng MMFF at chairman ng Media Relations. Nanalo rin itong Vice President sa eleksyon ng Anti Film Piracy Council na pamumunuan ngayon ni Ric Camaligan bilang presidente.
Ayon pa rin kay Wilson, maraming pagbabago sa rules and regulations MMFFP 2006 kung saan pinakikinggan naman ng execom ang mga suhestyon ng mga taga-showbiz na sumasali sa film festival taun-taon.
Inaasahang magiging mas malaki ang gagawing pagdiriwang ngayon sa pagsali ng independent producer. Syempre sasali ulit si Mother Lily para mas masaya ang MMFF 2006.
Malalaman sa araw na ito ang mga pinakatatagong lihim at sikreto ng mga komedyanteng sina Giselle Sanchez, Teri Onor, Patricia Ysmael, Mel Martinez at Ryan Yllana mula sa kanilang personality profile personal favorite at mga sagot sa nakakaintrigang personal questions.
Ayon sa magandang aktes ay nagi-enjoy pa siya sa kanyang career at naiintindihan naman ito ng kanyang nobyo. Kahit long distance affair ito ay open naman ang kanilang komunikasyon. Magbabalik-bayan si Gerry sa Abril kaya magkikita sila.
Nakakahinayang dahil may talino siya sa pag-arte. Sana nakikipagsabayan pa rin ito sa mga kasamahang aktor na sikat pa rin hanggang ngayon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended