Donita, pinauuwi na ng asawa!
March 12, 2006 | 12:00am
Dati, hindi nagtatagal ng bansa si Donita Rose. Umuuwi lang naman kasi siya dati kapag may trabaho dito o may gagawing komersyal. Swerte nang abutin siya ng isang buwan. Minsan nga, kararating lamang niya ay umaalis na agad siya at bumabalik na ng Singapore na kung saan ay naka-based sila ng kanyang mister na si Erik Villarama.
Ngayon ay halos magtatatlong buwan na siya sa bansa. Nagtagal siya dahil may gagawin siyang pelikulang pang-international, ang Seed of Contention na ididirek ng best friend niya. Dumating na nga ng bansa ang ilang makakasama niya sa pelikula pero hanggang ngayon ay di pa nagga-grind ng movie. Huling balita niya ay aabutin pa ito ng isang buwan bago masimulan. Kaya uuwi muna siya ng Singapore dahil pinauuwi na siya ni Erik!
Dinadalaw naman siya ng asawa dito pero, kumakain ng oras eh abala rin ito sa kanyang trabaho kaya siya na lang ang uuwi, sila ng magdadalawang taon na si JP.
"Hindi naman siya nagagalit but since di pa naman ako magsisimulang mag-shoot ng Seed... uuwi na lang muna ako. Babalik na lang ako pag magsisimula na ang pelikula," sabi niya.
Donita will leave right after A Celebrity Bazaar for Leyte, Ruffa Gutierrezs fundraising project for the Leyte survivors. Isang araw na tiangge ito na kung saan ay magkakaron si Donita ng stall at magbibenta ng mga gamit niya. Tulad ng mga maong pants na napakarami na at nakatago lamang sa kanyang aparador. Hindi na nga niya nadala ang mga ito sa Singapore sa sobrang dami. "Meron ding mga bags, sapatos, accessories. Tutulong din akong mag-host ng affair," sabi niya.
Magaganap ang A Celebrity Bazaar for Leyte sa Market Market, 3rd floor, Fort Bonifacio Global City, March 18, 1:00-10PM with many celebrities participating like the Gutierrez siblings, Ruffa, Richard & Raymond, their parents Eddie and Annabelle, stepbrothers Ramon Christopher and Tonton Gutierrez with Glydel Mercado, Sharon Cuneta, Heart Evangelista, Gary Valenciano, Phoemela Baranda, Pilita Corrales at marami pang iba.
Bukod sa tiangge, magkakaron ng entertainment, fun games. Punta kayo. Mura lang ang entrance, P300. Lahat ng bibili ay bibigyan ng libreng gupit ng buhok at masahe ng Ricky Reyes Salons.
Talagang ginagawa ng QTV11 ang lahat ng paraan para mapatatag ang kanilang mga programa. Bukod sa lumilibot sa mga palengke ang mga stars ng kanilang mga programang QTV Serbisyong Totoo sa palengke Ninyo, Ang Pinaka, Show Ko, May Trabaho Ka, Liga ng kababaihan, Love Life, Day Off, RX Men, My Guardian Abby, Ganda ng Lola Ko, Ay Robot, Candies, Popstar Kids, Moms, Ka-Toque, Fans Kita at Bongga Ka Star.
Sa Marso 26, magkakaron ng grand celebration para sa International Womens Month sa Megatrade 3 ng SM Megamall. Dalhin ang buong pamilya para makita ang mga artista ng mga nabanggit na programa.
>Aliw na aliw ako sa isang komersyal na nagtatampok sa mag-iinang Annabelle Rama at Richard at Raymond Gutierrez. Naka-dyakpat ang Advil dito dahil wala yata akong nakausap na di nagustuhan ang komersyal. Bagay na bagay daw kay Annabelle ang role niya at siyang-siya yun.
[email protected]
Ngayon ay halos magtatatlong buwan na siya sa bansa. Nagtagal siya dahil may gagawin siyang pelikulang pang-international, ang Seed of Contention na ididirek ng best friend niya. Dumating na nga ng bansa ang ilang makakasama niya sa pelikula pero hanggang ngayon ay di pa nagga-grind ng movie. Huling balita niya ay aabutin pa ito ng isang buwan bago masimulan. Kaya uuwi muna siya ng Singapore dahil pinauuwi na siya ni Erik!
Dinadalaw naman siya ng asawa dito pero, kumakain ng oras eh abala rin ito sa kanyang trabaho kaya siya na lang ang uuwi, sila ng magdadalawang taon na si JP.
"Hindi naman siya nagagalit but since di pa naman ako magsisimulang mag-shoot ng Seed... uuwi na lang muna ako. Babalik na lang ako pag magsisimula na ang pelikula," sabi niya.
Donita will leave right after A Celebrity Bazaar for Leyte, Ruffa Gutierrezs fundraising project for the Leyte survivors. Isang araw na tiangge ito na kung saan ay magkakaron si Donita ng stall at magbibenta ng mga gamit niya. Tulad ng mga maong pants na napakarami na at nakatago lamang sa kanyang aparador. Hindi na nga niya nadala ang mga ito sa Singapore sa sobrang dami. "Meron ding mga bags, sapatos, accessories. Tutulong din akong mag-host ng affair," sabi niya.
Magaganap ang A Celebrity Bazaar for Leyte sa Market Market, 3rd floor, Fort Bonifacio Global City, March 18, 1:00-10PM with many celebrities participating like the Gutierrez siblings, Ruffa, Richard & Raymond, their parents Eddie and Annabelle, stepbrothers Ramon Christopher and Tonton Gutierrez with Glydel Mercado, Sharon Cuneta, Heart Evangelista, Gary Valenciano, Phoemela Baranda, Pilita Corrales at marami pang iba.
Bukod sa tiangge, magkakaron ng entertainment, fun games. Punta kayo. Mura lang ang entrance, P300. Lahat ng bibili ay bibigyan ng libreng gupit ng buhok at masahe ng Ricky Reyes Salons.
Sa Marso 26, magkakaron ng grand celebration para sa International Womens Month sa Megatrade 3 ng SM Megamall. Dalhin ang buong pamilya para makita ang mga artista ng mga nabanggit na programa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended