2 may-ari ng Klownz, magkaiba ng bersyon sa di pagsipot ng Sexbomb!
March 12, 2006 | 12:00am
Matinding pinabulaanan ng Regal Entertainment insider na nilangaw ang I Will Always Love You nina Richard Gutierrez at Angel Locsin dahil kumita raw ito ng sobra sa inaasahan nila.
For the record ay kumita ng tig-P7M ang dalawang producer na sina Mother Lily Monteverde at Atty. Annette Gozon-Abrogar, "Neto yun ha, labas na lahat ng nagastos. Imagine malaki yun."
At maski na kumita sila ay talo pa rin daw ang dalawang movie producer ng tig-P5M dahil nalugi ang Mulawin, The Movie.
Dahil sa success ng nabanggit na tandem nina Richard at Angel ay gagawa uli ng pelikula ang dalawa at next year ang target date nila for airing na kung hindi babaguhin ang title ay I Love Paris na mismong sa Paris, France ang entire shoot ng pelikula.
"Inaayos na nga namin ang mga papeles for visa kasi mahirap kumuha nito at excited si Mother sa project na ito," say pa sa amin ng source.
As of now ay sinu-shoot na ang pelikulang Manay Po sa Regal na pinagbibidahan nina Cherry Pie Picache, Polo Ravales, John Prats at Jiro Manio na pawang mga closet gay ang role sa pelikula na may mga kanya-kanyang dyowang babae, mula sa direksyon ni Joel Lamangan na mayrong May playdate this year.
Inamin ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid na ang carrier song na "Minamahal Kita" sa latest album niyang "Lumilipad" under Viva Records ay intended para sa pelikulang Agawin Mo Man Ang Lahat na pagbibidahan sana ni Oyo Boy Sotto, pero hindi ito natuloy dahil ginawa na lang soap drama na napapanood sa hapon.
"Ginawa na lang theme song ng soap," kaswal niyang sambit sa nakaraang album launching niya sa Teatrino.
Katwiran ng tv host/actor-comedian ay, "Baka para sa akin talaga tong kanta, for my new album. Usually kasi kapag may nagpapagawa sa akin ng kanta, sine-set aside ko muna ang sarili ko, e, hindi natuloy so inisip ko, this is really intended for my new album."
Halos lahat ng album ni Ogie ay kumikita sa Viva Records, pero itong pang 13th studio album niya ay huling produced na ng nabanggit na recording company.
"Last year pa expired ang kontrata ko sa Viva Records and as of now, hindi ko pa naiisip kung magre-renew ako. May mga tinutulungan kasi akong grupo na mahuhusay din," sagot niya.
Hindi kaya may kinalaman ito sa isyung naglabas ng album ang Viva Records na The Songwriter and The Songbird na hindi man lang ipinaalam sa kanilang dalawa ni Regine Velasquez?
Ikaw, ha, marami kang alam. Actually, hindi naman yun ang isyu kasi nung nag-meeting kami sa Viva Office with Regine, ipinakita naman sa amin ni Boss Vic (del Rosario) na naglabas nga sila ng album, nagulat lang kami kasi we were not informed about it.
"Pero okey na yun, nasa contract din naman yun at may rights naman sila ron, at saka binayaran naman kami sa royalty and it helps din naman kasi kumita yung concert namin na The Songwriter and The Songbird," magandang paliwanag pa ni Ogie.
Nakausap at ipinaliwanag ng isa sa may-ari ng chain of Klownz Comedy Bars at Zirkoh na si Lito Alejandria ang isyung "Tinanggal na sa Klownz ang Sexbomb. "Pina-hold ko muna talaga yung schedule nila last Thursday (March 9) kasi alam kong dudumugin sila ng press para ma-interview.
"Klownz is a neutral venue for all the talents na gustong mag-show sa amin and wala kaming pakialam ni Allan (isa sa may-ari) kung ano ang problema nila sa ibang programa, basta kami, we welcome them all.
"Hindi ko sila tinanggal, in fact may schedule pa sila sa akin sa March 19 para sa Zirkoh and another for Klownz next Thursday (March 16)."
At base naman sa taong malapit kay Joy Cancio, "Ang nakausap ni Lito ay yung sister ni Joy na si Irene at sinabi nga na pinatatanggal na ni Allan K ang Sexbomb sa Klownz."
Mas maganda nga siguro kung humarap na sa media si Joy para malinawan na ang isyu. Reggee Bonoan
For the record ay kumita ng tig-P7M ang dalawang producer na sina Mother Lily Monteverde at Atty. Annette Gozon-Abrogar, "Neto yun ha, labas na lahat ng nagastos. Imagine malaki yun."
At maski na kumita sila ay talo pa rin daw ang dalawang movie producer ng tig-P5M dahil nalugi ang Mulawin, The Movie.
Dahil sa success ng nabanggit na tandem nina Richard at Angel ay gagawa uli ng pelikula ang dalawa at next year ang target date nila for airing na kung hindi babaguhin ang title ay I Love Paris na mismong sa Paris, France ang entire shoot ng pelikula.
"Inaayos na nga namin ang mga papeles for visa kasi mahirap kumuha nito at excited si Mother sa project na ito," say pa sa amin ng source.
As of now ay sinu-shoot na ang pelikulang Manay Po sa Regal na pinagbibidahan nina Cherry Pie Picache, Polo Ravales, John Prats at Jiro Manio na pawang mga closet gay ang role sa pelikula na may mga kanya-kanyang dyowang babae, mula sa direksyon ni Joel Lamangan na mayrong May playdate this year.
"Ginawa na lang theme song ng soap," kaswal niyang sambit sa nakaraang album launching niya sa Teatrino.
Katwiran ng tv host/actor-comedian ay, "Baka para sa akin talaga tong kanta, for my new album. Usually kasi kapag may nagpapagawa sa akin ng kanta, sine-set aside ko muna ang sarili ko, e, hindi natuloy so inisip ko, this is really intended for my new album."
Halos lahat ng album ni Ogie ay kumikita sa Viva Records, pero itong pang 13th studio album niya ay huling produced na ng nabanggit na recording company.
"Last year pa expired ang kontrata ko sa Viva Records and as of now, hindi ko pa naiisip kung magre-renew ako. May mga tinutulungan kasi akong grupo na mahuhusay din," sagot niya.
Hindi kaya may kinalaman ito sa isyung naglabas ng album ang Viva Records na The Songwriter and The Songbird na hindi man lang ipinaalam sa kanilang dalawa ni Regine Velasquez?
Ikaw, ha, marami kang alam. Actually, hindi naman yun ang isyu kasi nung nag-meeting kami sa Viva Office with Regine, ipinakita naman sa amin ni Boss Vic (del Rosario) na naglabas nga sila ng album, nagulat lang kami kasi we were not informed about it.
"Pero okey na yun, nasa contract din naman yun at may rights naman sila ron, at saka binayaran naman kami sa royalty and it helps din naman kasi kumita yung concert namin na The Songwriter and The Songbird," magandang paliwanag pa ni Ogie.
"Klownz is a neutral venue for all the talents na gustong mag-show sa amin and wala kaming pakialam ni Allan (isa sa may-ari) kung ano ang problema nila sa ibang programa, basta kami, we welcome them all.
"Hindi ko sila tinanggal, in fact may schedule pa sila sa akin sa March 19 para sa Zirkoh and another for Klownz next Thursday (March 16)."
At base naman sa taong malapit kay Joy Cancio, "Ang nakausap ni Lito ay yung sister ni Joy na si Irene at sinabi nga na pinatatanggal na ni Allan K ang Sexbomb sa Klownz."
Mas maganda nga siguro kung humarap na sa media si Joy para malinawan na ang isyu. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am