^

PSN Showbiz

Roxanne o Aleck, sinong ititira n’yo?

RATED A - Aster Amoyo -
 Isa sa tatlong nominees for eviction sa Bahay ni Kuya ang singer na si Roxanne Barcelo kasama sina Aleck Bovick at Keanna Reeves.  Sa tatlo, mukhang may pag-asang ma-save si Keanna at maglalaban naman sina Aleck at Roxanne kung sino sa kanilang dalawa ang dapat manatili pa sa loob ng bahay.

Sa totoo lang, marami na ang naiinis kay Roxanne dahil sa pagiging maarte umano nito at marami ang nagsasabi na dapat daw na lumabas na ito sa Bahay ni Kuya. Si Aleck naman ay gustung-gusto nang lumabas sa Bahay ni Kuya dahil miss na niya ang kanyang boyfriend na si Carlo Maceda at gusto niyang maalagaan ang kanyang maysakit na ama. 

Kapag tuluyan nang lumabas sa bahay si Roxanne, wala na umanong saysay na manatili pa sa loob si Rico Robles.  Nung umpisa, gustung-gusto ng mga manonood na manatili pa sa loob si Rico para matuloy na ang loveteam nila ni Roxanne pero nang lumantad ang tunay na boyfriend ni Roxanne ay nadismaya ang mga manonood sa pag-aakalang may pag-asa si Rico kay Roxanne.  Ito marahil ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pag-iwas na ginagawa niya kay Rico na kung hindi kami nagkakamali ay naging boyfriend niya noon.
* * *
Muli kaming naimbitahan ng singer-turned businessman na si Boby Valle sa kanyang Kimura Vale Entertainment Center para panoorin ang dinarayong Maku Hari Dance Troupe na gabi-gabi nagpapamalas ng  husay sa pagsayaw ng ating katutubong sayaw. At sa pagitan ng mga sayaw ay meron ding awitan ng mga klasikong awitin tulad ng "Sa Bayan Kong Sinilangan," "Dahil Sa Isang Bulaklak" at "Waray-Waray".

Sa totoo lang, bibihira na tayo makapanood ng ating mga katutubong sayaw kaya maganda itong naisip ni Bobby na muling buhayin ang ating mga cultural dance para naman maipagmalaki natin sa mga makabagong henerasyon at para malaman ng mga turista kung gaano kayaman ang ating kultura.

Hands on si Bobby sa pagpapatakbo ng Kimura Vale Entertainment Center na dinarayo na rin ngayon ng maraming tao pati na ng mga local and foreign tourists.

 Sa mga magnanais magpa-reserve, mangyari lamang tumawag sa teleponong 536-0123/536-6868 at 0918-3938003 o di kaya magpadala ng e-mail sa [email protected].
* * *
Personal:  Ang aming pagbati ng belated happy birthday sa aming entertainment editor na si Veronica Samio nung nakaraang Martes, March 7 ganundin kina Rudy Fernandez at Baby Gil ng Viva nung Marso 3.
* * *
[email protected]

vuukle comment

ALECK BOVICK

BABY GIL

CENTER

KIMURA VALE ENTERTAINMENT CENTER

KUYA

RICO

ROXANNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with