^

PSN Showbiz

Ruffa at ibang artista, tutulong sa Leyte victims

- Veronica R. Samio -
May ilang linggo na rin nang huling datnan ng trahedya ang mga Leyteños, partikular sa Brgy. Guinsaugon, St. Bernard, Southern Leyte na kung saan isang komunidad ang nilamon ng lupa na nagmula sa isang gumuhong bundok. Karamihan sa mga namatay ay mga bata na kasalukuyang nasa iskwela nang maganap ang trahedya.

Matatagalan pa bago makatayo sa kanilang sarili ang mga survivors. At di lang mga materyal na pangangailangan nila ang dapat na matustusan, higit lalo ang sugat ng damdamin na dulot ng pagkawala ng mga minamahal ang nagdudulot ng ibayong sakit at baka hanggang sa huling hibla ng kanilang buhay ay hindi pa malulunasan ng panahon.

Si Ruffa Gutierrez na namumuhay nang maligaya sa piling ng kanyang asawa’t mga anak at nabubuhay sa kasaganaan ay nagpasyang pamunuan ang isang fundraising campaign para sa mga kapatid nating Leyteños.

Katulong ang maraming kaibigan sa showbiz, magdaraos sila ng isang araw na tiangge na ang lahat ng kikitain ay ibibigay sa mga sinalanta ng landslide. Para masiguro na ang tulong ay makakamtan ng mga nangangailangan at di mapupunta sa maling mga kamay ang mga malilikom ay ipamamahagi sa pamamagitan ng Shining Light Foundation, UNICEF at Red Cross.

Pinamagatang A Celebrity Bazaar for Leyte, magaganap ito sa Marso 18 sa Market Market Trade Hall A, 3rd Flr., Fort Bonifacio Global City, 1:00 NH-10:00 NG.

Ang mga artista na kumpirmado nang lalahok ay sina Sharon Cuneta, Dawn Zulueta, Richard Gomez at Lucy Torres, Pilita Corrales, Jackielou Blanco, Boy Abunda, Kuh Ledesma, Korina Sanchez, Gary Valenciano, Heart Evangelista, Donita rose, Arnel Ignacio, Phoemela Baranda, Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, Richard & Raymond Gutierrez, Tessa Prieto-Valdez, Tim Yap, Karen Pascual, Gretchen Barretto, Geneva Cruz & Loren Legarda.

Mura lamang ang entrance, P300 na mapupunta rin sa mga biktima ng trahedya. Lahat ng bibili dito ay bibigyan ng libreng gupit ng buhok at masahe mula kay Ricky Reyes at sa kanyang staff.
* * *
Ngayong umaga, makakasama ng Mobile Kusinera na si Christine Jacob-Sandejas and first Pinoy Pop Superstsar na si Jonalyn Viray at ang mga bagong 5 grand contenders na sina Harry, Gerald, Aicelle, Irra at Denver. Hindi sila maglalaban-laban. Huhusgahan nila kung sino kina Direk Floy Quintos, Dan Tan at Jaya ang dapat tanghaling Pinoy Pop Cooking Star. Ilalaban ni Jaya ang kanyang Chicken Teriyaki, Luya con Saba, Dessert de Luya ang panlaban ni Direk Floy at Danny So Pinoy Crunchwich na man ang kay Danny.

Dadalhin ng Mobile Kusina ang mga manonood sa Parks & Wildlife. Palabas ito tuwing Biyernes, bago mag-Sis sa GMA7.
* * *
Kung nabitin kayo sa Vol 1 at 2 ng Pinoy Big Brother sa DVD ng Star Records, meron nang final episodes ng Season 1 ng reality TV show ng ABS CBN. Pinamagatang Pinoy Big Brohter (Vol. 3), nagtatampok ito sa ilang housemates na natira mula sa orihinal na bilang.

Mayro’n itong 2 disc na may never before seen footages ng mga paboritong housemates na sina Nene, Jason, Cass, Uma, Rico, Chx, Bob, Jenny, Sam, Say, JB, Raquel at Franzen. Sama-sama sila sa "Boracay Adventure" at syempre pa ang pinakahihintay na PBB Big Nite.

Mabibili ito sa halagang P199 lamang sa mga sikat na video outlets sa bansa.

ANNABELLE RAMA

ARNEL IGNACIO

BIG NITE

BORACAY ADVENTURE

BOY ABUNDA

CHICKEN TERIYAKI

CHRISTINE JACOB-SANDEJAS

LEYTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with