^

PSN Showbiz

Manyakis ang TV host/actor!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Ipapa-presscon ng Genesis Entertainment si Heart Evangelista isa sa mga araw na ito para ipakitang hindi ito nagtatago. Hindi palang masabi ang exact date kung kailan haharap sa press ang actress dahil nagti-taping ng Panday at MYX. Isa pang rason sa hindi pagiging visible ng dalaga’y ang madalas na atake ng asthma.

Sabi ni Angeli Pangilinan-Valenciano, kaya nadadalas ang asthma attack ng girlfriend ni Jericho Rosales ay dahil matalahib ang location ng Panday. Dahil sa continuity, hindi agad makakalipat ng location. Ang problema pa kay Heart, nahihiyang magsabi na malapit na siyang atakihin at nalalaman lang pag grabe na ang kondisyon at nahihirapan nang huminga.

Malakas na "Of course not" ang sagot ni Angeli sa sinasabing kaya hindi nagpapakita si Heart dahil totoo itong buntis. Hindi raw alam nang mga nagsulat nito na masyadong naapektuhan ang dalaga at dahil doon, lalo itong nagkasakit.
* * *
Tawa ang sagot ni Mark Bautista sa kantyaw ng press na boring ang life niya dahil ‘di siya gumigimik at wala siyang night life. Nakaka-gimik lang siya ‘pag may event ang ABS-CBN at madalas, mga Kapamilya rin ang kanyang nakakahalubilo.

Wala pa ring girlfriend ang binata at 23 years old dahil bukod sa walang time maghanap nang maliligawan, tila wala itong matipuhan after Rachelle Ann Go. Naudlot ang balak niyang panliligaw kay Jasmine Trias at hanggang naging textmate na lang sila. Ito’y kung kailan nadadalas ang balik nito sa bansa at paggi-guest sa ASAP kung saan mainstay si Mark.

Nanghinayang nga si Mark dahil wala rito si Jasmine sa March 24, sa kanyang Pop Heartthrob solo concert sa Aliw Theater. Pero, magugustuhan din ng manonood sina Sarah Geronimo, Juris Fernandez ng MYMP, at sina Rufa Mae Quinto at Ogie Alcasid in a special participation.

Produced ng Viva Concerts ang Pop Heartthrob sa direction ni GB Sampedro at Mark Lopez as its musical director. For ticket inquiries, call SM Ticketnet at 9115555.
* * *
Sobra talaga ang hilig sa babae ng TV host-actor na ito na hiwalay sa actress niyang asawa. Kahit may girlfriend na, kapag nakakakita ng chance na makapanantsing ay ginagawa.

Sa isang showbiz affair na dinaluhan ng TV host-actor, nakilala nito ang magandang tisay na actress. Agad niya itong tinabihan at tsinika-tsika ng kung anu-anong bagay.

Nang makuha ang loob ng actress, umandar na ang pagka-manyakis nito.

Habang kausap ang actress, busy ang kamay ng TV host-actor sa paghaplos sa tagiliran ng dalaga na malapit sa boobs nito. Nalilibang siguro ang actress o pinabayaan ang TV host-actor na siya’y haplus-haplusin dahil hindi ito pumalag.
* * *
Paulit-ulit na pinapatugtog ang songs ng Herman’s Hermits sa Araneta Center, patunay na tuluy na tuloy na ang concert ng 60s band sa March 17 sa Araneta Coliseum. Sana lang, kasama sa repertoire ng banda ang hit songs nila gaya ng "There’s A Kind of Hush," "Mrs. Brown You’ve Got A Lovely Daughter," "Henry V111" para makapag-sing-along ang manonood.

Billed Herman’s Hermit: Live All Over The World, ang concert na matagal hinintay ng fans ng banda. Ang hindi makakapanood sa Big Dome (gaya ni Vero Samio), puwedeng manood sa concert nila sa Manila Hotel sa Mar. 18. For ticket inquiries, call Araneta Coliseum Box Office at 911-5555.

vuukle comment

A KIND OF HUSH

ALIW THEATER

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

ARANETA CENTER

ARANETA COLISEUM

ARANETA COLISEUM BOX OFFICE

DAHIL

POP HEARTTHROB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with