Mariel, di pa rin nakakaintindi ng Tagalog
March 6, 2006 | 12:00am
Hindi naman siguro magagalit si Toni Gonzaga kay Mariel Rodriguez sa pagkumpirma nitong masugid niyang manliligaw si Sam Milby pero, hindi pa niya sinasagot. Naging close ang dalawang dalaga nang maging co-host ng Pinoy Big Brother at sabi ng huli, kapag may time, nagtsitsikahan sila.
Nagbiro si Mariel na mabuti pa si Tonit masaya ang lovelife sa rami nang nanliligaw. Siya raw ay matagal ng zero ang lovelife at noong Valentines Day, nanood lang siya ng DVD sa kanilang bahay.
Courtesy ni Uma Khouny ang most memorable experience ni Mariel sa pagho-host ng PBB. May sinabing Tagalog word ang binata na tungkol sa private parts ng babae at dahil hindi niya alam ang ibig sabihin, buong ningning niyang binanggit.
Nalaman lang niyang foul ang salitang yun nang mataranta ang staff ng show pero, wala nang nagawa dahil nasabi na niya. Mula noon, ayaw na niyang makinig kay Uma at baka muli siyang ipahamak at maging daan nang pagka-tsugi niya sa show.
Sisimulan ng Moms ng QTV 11 ang linggo nang nakakatawang episode this Monday entitled Angkan ng mga Guwapo. Aalamin nina Lani Mercado at Sherilyn Reyes kina Tado, Bentong, Gary Lim at Onyok Velasco kung naging problema nila sa panliligaw ang kakulangan nila ng pogi points.
Paiiyakin naman ang viewers ng Tuesday episode na Pieta, Dalamhati ng Isang Ina. Ikukuwento nina Gina de Venecia, Irma Santiago, Noemi Dalo at Alicia Alonzo ang sakit mawalan ng anak at kung paano nila tinanggap ito.
Sa Wednesday episode na Nang Magsuklob Ang Langit at Lupa, pag-uusapan ang dumating sa buhay ng mga guest na nagbigay ng biggest depression. Sa kaso ni Matet de Leon, ang pagkamatay ng anak; kay Cheska Diaz nang malamang buntis siya at kay Ynez Veneracion ay love problems.
Nakakatuwang kausap si Gabriel Valenciano, second son nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano. Ang 17-year-old ang image model/endorser ng Whoops clothing apparel kasama si Nicole Hernandez.
Lahat ng tanong ay sinagot ng bagets pati may kinalaman sa sex. Virgin pa raw siya at hindi siya naniniwala sa pre-marital sex. What is obvious, ay ang malaking pagmamahal sa girlfriend niyang si Nikki Gil na five months na niyang karelasyon.
Bukod sa magandat intelligent, ang kainosentehan ng dalaga ang nagustuhan ni Gab dito. Sana raw, ito na lang ang naging first gf niya (sana, hindi ito makarating sa unang nobya ng bagets). Proud siya pag sinasabi ng friends niyang hot ang kanyang GF. Si Nikki na ang gustong mapangasawa ni Gab at kung siya lang ang masusunod, after two years pakakasalan na niya ito na ipinag-react ni Angeli.
Ang hindi namin naitanong kay Gab ay kung totoo ang tsikang P3 million ang talent fee niya to endorse Whoops. Hindi kami naniniwala pero, malay din natin!
Nagbiro si Mariel na mabuti pa si Tonit masaya ang lovelife sa rami nang nanliligaw. Siya raw ay matagal ng zero ang lovelife at noong Valentines Day, nanood lang siya ng DVD sa kanilang bahay.
Courtesy ni Uma Khouny ang most memorable experience ni Mariel sa pagho-host ng PBB. May sinabing Tagalog word ang binata na tungkol sa private parts ng babae at dahil hindi niya alam ang ibig sabihin, buong ningning niyang binanggit.
Nalaman lang niyang foul ang salitang yun nang mataranta ang staff ng show pero, wala nang nagawa dahil nasabi na niya. Mula noon, ayaw na niyang makinig kay Uma at baka muli siyang ipahamak at maging daan nang pagka-tsugi niya sa show.
Paiiyakin naman ang viewers ng Tuesday episode na Pieta, Dalamhati ng Isang Ina. Ikukuwento nina Gina de Venecia, Irma Santiago, Noemi Dalo at Alicia Alonzo ang sakit mawalan ng anak at kung paano nila tinanggap ito.
Sa Wednesday episode na Nang Magsuklob Ang Langit at Lupa, pag-uusapan ang dumating sa buhay ng mga guest na nagbigay ng biggest depression. Sa kaso ni Matet de Leon, ang pagkamatay ng anak; kay Cheska Diaz nang malamang buntis siya at kay Ynez Veneracion ay love problems.
Lahat ng tanong ay sinagot ng bagets pati may kinalaman sa sex. Virgin pa raw siya at hindi siya naniniwala sa pre-marital sex. What is obvious, ay ang malaking pagmamahal sa girlfriend niyang si Nikki Gil na five months na niyang karelasyon.
Bukod sa magandat intelligent, ang kainosentehan ng dalaga ang nagustuhan ni Gab dito. Sana raw, ito na lang ang naging first gf niya (sana, hindi ito makarating sa unang nobya ng bagets). Proud siya pag sinasabi ng friends niyang hot ang kanyang GF. Si Nikki na ang gustong mapangasawa ni Gab at kung siya lang ang masusunod, after two years pakakasalan na niya ito na ipinag-react ni Angeli.
Ang hindi namin naitanong kay Gab ay kung totoo ang tsikang P3 million ang talent fee niya to endorse Whoops. Hindi kami naniniwala pero, malay din natin!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended