Jinggoy, may-ari ng Klownz Greenhills
March 5, 2006 | 12:00am
Isa si Anne Curtis sa ABS-CBN talent na natsitsismis na lilipat o babalik sa GMA-7. Kaya, nang makausap namin si Baby Gil sa presscon ng Pop Heartthrob concert ni Mark Bautista, inalam namin ang katotohanan sa balita.
Hindi kami sinagot ni Baby ng "Yes" or "No". Ang sabi lang nito, dahil sa kanila ang managerial contract ng young actress, sila ang may karapatang maglipat nito sa Ch. 7. Ang dating sa amin ng sagot nitoy itinatanggi ang tsismis.
Mas kabado si Jackie Rice habang nalalapit ang Final Judgment ng StarStruck 3 dahil mas tumindi ang competition nila nina Iwa Moto at Marky Cielo. Sa March 12 na malalaman kung sino sa kanila ang mapipiling Ultimate Survivors at Sole Survivor.
"Katuwa si Jackie dahil ngayon palang, iniisip nang matutuloy ang binabalak na piggery business. Ang pag-aalaga ng mga baboy ang nakikita niyang paraan para madaling magka-pera. Ang classmates daw niyay magaganda ang bahay at may mga kotse dahil may babuyan.
Inamin din nito ang shortlived romance nila ng StarStruck 3 Avenger na si Bugz Daigo. Nag-break sila dahil nawalan sila ng communication at naisip niyang malayo pa ang kanyang mararating.
Samantala, sa mga gustong manood sa finals ng SS3, pumunta sa live episode sa Broadway Centrum mamaya. Mamimigay ng free tickets ang staff ng show.
This March na ang opening ng Klownz-Greenhills na pagmamay-ari ni Sen. Jinggoy Estrada. Si Allan K. ang magma-manage nito at kung paano nito hahatiin ang kanyang oras, di namin batid.
Ang dating puwesto ng Toys for Big Boys ang location ng Klownz-Greenhills at malapit sa Ortigas. Hindi na kailangang pumunta ng Araneta Center at Quezon Avenue ang mga taga-San Juan at Mandaluyong City na gustong mag-unwind at manood ng magagaling na performers.
First leg ng Palengke Tour ng hosts ng QTV 11 this Sunday. Iikot sina Ethel Booba ng Show Ko at Pekto ng Day Off; Doc Ogie, Doc Dean at Doc Marie ng RX MEN sa Balintawak Market, Muñoz Market at Nepa Q-Mart. Kasama rin nila sina Atty. Gaby Concepcion at Lyn Ching ng Liga ng Kababaihan at Rhea Santos ng News on Q.
Sa Nova Plaza, Fairview Market at Commonwealth Market naman bibisita sina Drew Arellano ng Balikbayan; Paolo Abrera at Mariz Umali ng May Trabaho Ka; Iza Calzado ng Star Power; at Ivan Mayrina ng News on Q.
Hindi kami sinagot ni Baby ng "Yes" or "No". Ang sabi lang nito, dahil sa kanila ang managerial contract ng young actress, sila ang may karapatang maglipat nito sa Ch. 7. Ang dating sa amin ng sagot nitoy itinatanggi ang tsismis.
"Katuwa si Jackie dahil ngayon palang, iniisip nang matutuloy ang binabalak na piggery business. Ang pag-aalaga ng mga baboy ang nakikita niyang paraan para madaling magka-pera. Ang classmates daw niyay magaganda ang bahay at may mga kotse dahil may babuyan.
Inamin din nito ang shortlived romance nila ng StarStruck 3 Avenger na si Bugz Daigo. Nag-break sila dahil nawalan sila ng communication at naisip niyang malayo pa ang kanyang mararating.
Samantala, sa mga gustong manood sa finals ng SS3, pumunta sa live episode sa Broadway Centrum mamaya. Mamimigay ng free tickets ang staff ng show.
Ang dating puwesto ng Toys for Big Boys ang location ng Klownz-Greenhills at malapit sa Ortigas. Hindi na kailangang pumunta ng Araneta Center at Quezon Avenue ang mga taga-San Juan at Mandaluyong City na gustong mag-unwind at manood ng magagaling na performers.
Sa Nova Plaza, Fairview Market at Commonwealth Market naman bibisita sina Drew Arellano ng Balikbayan; Paolo Abrera at Mariz Umali ng May Trabaho Ka; Iza Calzado ng Star Power; at Ivan Mayrina ng News on Q.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended