17 lang pero nag-iisip na ng kasal si Gab Valenciano!
March 5, 2006 | 12:00am
Inamin ni Gabriel Valenciano na limang buwan na silang mag-on ni Nikki Gil, boto ang pamilya niya rito. In love siyang talaga sa nobya at nagbiro na two years from now ay magpapakasal na sila. Seventeen lang si Gab at 18 years old naman si Nikki.
Parang magkakaibigan ang turingan nila ng buong pamilya. Very close din silang magkakapatid at mayroon silang curfew. Grounded sila pag lumalampas ng curfew silang umuwi. Kinukuha rin ni Gary V ang susi ng kotse nila.
Endorser si Gab ng Whoops isang brand ng clothing apparel kung saan kasama rin niya ang magandang fashion-commercial mannequin na si Nicole Hernandez.
Ayaw na ni Jenny Miller na maalala pa ang naging intriga sa kanila nun ni Bayani Agbayani, ini-link sila sa isat isa na naging dahilan para magselos ang asawa ni Bayani sa kanya. Mayroon non-showbiz boyfriend si Jenny. Ngayon, matatag na siya sa intriga dahil nasanay na siya.
Muli naming nakita sina Cromwel Umali at Christine Rivero na mga orihinal na miyembro ng unang STEAMDPFI deaf community. Malaki ang naitulong ng STEAM Foundation para maging normal silang tao, si Christine ay nagtatrabaho na ngayon sa Office of the First Gentleman sa Malacañang, ganun din si Cromwel na nasa office of the President.
Ayon naman kay Cromwel, malaki ang naitulong ng STEAM Foundation sa kanilang pagbabago sa pamamagitan ng deaf-training program kung saan nahasa ang kanilang skills, positive values at work habits kaya naman dahil sa ipinakitang outstanding performance sa Jollibee ay nakakuha ang karamihan sa kanila ng company awards.
Nagtatag din ang STEAM Foundation ng Family Support Group kung saan ibinubuo ito ng magulang para magbigay ng moral support sa mga trainees o members.
Ngayon, inihahandog ng GMA Home Video ang original motion picture soundtrack ng GMA Films Metro Manila Film Festival entry, Mulawin The Movie. Sa fantaserye sa telebisyon, naging malaki ang kontribusyon ng theme song ng "Ikaw Na Nga" mula sa South Border sa kasikatan ng Mulawin na kinagiliwan ng mga manonood noong nakaraang Disyembre.
May nagtanong sa aktor kung bakit marami naman itong naging nobya ay dun siya pumatol sa sexy actress. Mas maganda ang mga naging nobya nito noon kaysa sa karelasyong aktres ngayon.
Sagot ng aktor, "Magaling kasi siya sa kama at pagdating sa romansa ay mas dominante siya kaysa sa akin."
Mayroon nang lovechild ang dalawa.
Parang magkakaibigan ang turingan nila ng buong pamilya. Very close din silang magkakapatid at mayroon silang curfew. Grounded sila pag lumalampas ng curfew silang umuwi. Kinukuha rin ni Gary V ang susi ng kotse nila.
Endorser si Gab ng Whoops isang brand ng clothing apparel kung saan kasama rin niya ang magandang fashion-commercial mannequin na si Nicole Hernandez.
Ayon naman kay Cromwel, malaki ang naitulong ng STEAM Foundation sa kanilang pagbabago sa pamamagitan ng deaf-training program kung saan nahasa ang kanilang skills, positive values at work habits kaya naman dahil sa ipinakitang outstanding performance sa Jollibee ay nakakuha ang karamihan sa kanila ng company awards.
Nagtatag din ang STEAM Foundation ng Family Support Group kung saan ibinubuo ito ng magulang para magbigay ng moral support sa mga trainees o members.
Ngayon, inihahandog ng GMA Home Video ang original motion picture soundtrack ng GMA Films Metro Manila Film Festival entry, Mulawin The Movie. Sa fantaserye sa telebisyon, naging malaki ang kontribusyon ng theme song ng "Ikaw Na Nga" mula sa South Border sa kasikatan ng Mulawin na kinagiliwan ng mga manonood noong nakaraang Disyembre.
Sagot ng aktor, "Magaling kasi siya sa kama at pagdating sa romansa ay mas dominante siya kaysa sa akin."
Mayroon nang lovechild ang dalawa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended