^

PSN Showbiz

Kapatid lang ang turing ni AJ Dee kay Say!

-
Dahil sa pagdalaw ni AJ Dee kay Say Alonzo sa PGKB kung saan naglaro si Say, nagkaroon ng isyu sa dalawa. Parehong loveless ang dalawa. Ayaw nang makipagbalikan ni Say sa kapwa housemate na si JB Magsaysay at balitang ang dating TV Idol ang malapit sa puso nito ngayon.

Nang makita namin ang binata sa Dos, agad namin itong kinunan ng reaction hinggil sa said issue.

"Hindi siya (Say) ang dinalaw ko ru’n. Si Ate Kris (Aquino) ang dinadalaw ko. Madalas akong magpunta sa studio. Tinukso lang kami ni Ate Kris.

"Okey siya, maganda, mabait, masarap kasama sa trabaho.

"Nagkasama na kami sa "Wanna Buzz" segment ng The Buzz, pero ngayon wala na ito.

"Kapatid lang turing ko sa kanya at kapamilya dahil pareho kaming talent ng Dos," sunud-sunod na litanya ni Dee.

Walang project ngayon si AJ. Bukod sa pagkawala ng segment niya sa The Buzz ay namaalam na rin sa ere ang Vietnam Rose.

"Naghihintay pa rin ako. Sabi nila, baka isang soap uli ang ibibigay sa akin. Sana, matuloy ito."

At ang computer business niya ang inaatupag ngayon ni AJ Dee. — BOY ROMERO

AQUINO

ATE KRIS

AYAW

BUKOD

DAHIL

SAY ALONZO

SI ATE KRIS

VIETNAM ROSE

WANNA BUZZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with