Ex ni Phillip, kay ex-mayor Malonzo inili-link ngayon!
March 1, 2006 | 12:00am
Gustong linawin ni Cristina Decena, ex-girlfriend ni Phillip Salvador na wala silang relasyon ngayon ni ex-mayor Rey Malonzo.
Mag-business partner silang dalawa kung saan bumibili sila ng lupa na patatayuan ng mga townhouses at pagkatapos ay ibinibenta rin nila ito.
Kung lumabas man silang dalawa ay negosyo ang kanilang pinag-uusapan at di lang naman sila lang ang magkasama. Aware si Cristina na maligayang namumuhay si Rey sa piling ni Gigi Malonzo at mga anak. Kung iibig man siya ay dun na sa lalaking walang sabit ayon pa dito.
Ayon kay Iwa Moto, noon sana ay handa na siyang mag-quit sa StarStruck competition dahil sa dami ng intriga at naipon lahat ang tension sa dibdib pero lumaban siya dahil kailangan niyang manalo for financial reason kung saan maysakit pa ang kapatid.
Pero iba ang ugali ni Iwa dahil brutally frank ito. Sabi nga niya, "Kapag sinaktan ako ay sasaktan ko rin siya. Kakayanin kong pumatay kung karapat-dapat siyang patayin." Matapang di ba?
Ang legendary group na Hermans Hermits ay nakatakdang mag-konsyerto sa Araneta Coliseum sa March 17 at March 18 sa Manila Hotel. Itoy pinangungunahan ni Peter Noone, lead singer ng grupo at ang pamagat ng konsyerto ay Hermans Hermits Starring Peter Noone: Live All Over The World.
Sumikat ang grupo noong 60s at ilan sa mga sikat nilang awitin ay "Im Into Something Good", "Mrs. Brown Youve Got A Lovely Daughter", atbp.
Sa mga nais bumili ng ticket, pumunta sa Araneta Coliseum Box Office o sa SM Ticketnet. Available din ang ticket sa Manila Hotel (with dinner).
Nasa third week na ang pelikulang Aeon Flux na tinatampukan ni Charlize Theron. Magaling kasi itong aktres at nakilala rin sa aksyon. May following na ito na napanood sa The Devils Advocate, The Cider House Rules at sa Monster kung saan bumagay sa kanya ang role kaya nakamit nito ang Best Actress Award.
Marami ngayon ang commercial ng basketball player na karelasyon ng sikat na actress-TV host. Gaano katotoo ang balita na kapag may inaalok na komersyal sa magaling na host na may ibang talent doon ay isisingit niya ang nobyo ayon sa isang source.
Kailangan niyang kumita rin ng malaki para may magastos sa kasal nila ng kanyang nobya. Ayaw niyang maki-share ang kanyang mahal dahil may sarili itong paninindigan at di aasa sa nobya.
Mag-business partner silang dalawa kung saan bumibili sila ng lupa na patatayuan ng mga townhouses at pagkatapos ay ibinibenta rin nila ito.
Kung lumabas man silang dalawa ay negosyo ang kanilang pinag-uusapan at di lang naman sila lang ang magkasama. Aware si Cristina na maligayang namumuhay si Rey sa piling ni Gigi Malonzo at mga anak. Kung iibig man siya ay dun na sa lalaking walang sabit ayon pa dito.
Pero iba ang ugali ni Iwa dahil brutally frank ito. Sabi nga niya, "Kapag sinaktan ako ay sasaktan ko rin siya. Kakayanin kong pumatay kung karapat-dapat siyang patayin." Matapang di ba?
Sumikat ang grupo noong 60s at ilan sa mga sikat nilang awitin ay "Im Into Something Good", "Mrs. Brown Youve Got A Lovely Daughter", atbp.
Sa mga nais bumili ng ticket, pumunta sa Araneta Coliseum Box Office o sa SM Ticketnet. Available din ang ticket sa Manila Hotel (with dinner).
Kailangan niyang kumita rin ng malaki para may magastos sa kasal nila ng kanyang nobya. Ayaw niyang maki-share ang kanyang mahal dahil may sarili itong paninindigan at di aasa sa nobya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended