Carmina, Zoren, may bagong bahay!
February 28, 2006 | 12:00am
Tapos na ang magandang bahay na pundar ng mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Kumpleto na rin ito sa mga kasangkapan. Kaya lang, ayaw pala ni Mina na lumipat muna dahil naniniwala rin ito sa pamahiin na kulang sa buwan ang Pebrero. Kaya baka sa unang linggo ng Marso na sila lumipat sa ipinatayo nilang bahay sa isang subdivision somewhere in Pasig.
Marami pa rin ang nagtatanong kung kailan sila pakakasal. Pero simpleng wedding lang ang gusto ng dalawa. Sinabi ng aktor na kasal na naman sila at mayroon ng biblical commitment. Pero naniniwala sila na sagrado pa rin ang kasal sa simbahan.
Sa tagal ng kanilang pagsasama ay hindi na apektado sina Zoren at Mina ng intriga. "We are one big, happy family at napatunayan na namin ang tibay ng aming relasyon sa pagdaan ng mga taon," sabi ni Zoren.
Abala ngayon sa promosyon ng kanyang album na "Moving On" si Ara Mina kung saan bukod sa mall tour ay may bar tour din ang magandang aktres.
Sa unang linggo ng Marso ay lilipad itong Amerika para sa kanilang Soul Sisters tour kasama sina Jessa Zaragoza, Marissa Sanchez at Dingdong Avanzado. Kaliwat kanan muna ang raket ni Ara dahil matatagalan din silang magi-stay sa Amerika.
Nag-aaral ng gitara si Ara sa kasalukuyan at malaki ang naging impluwensya ni Jimmy Bondoc na co-producer ng kanyang album.
Ayaw munang mag-concentrate ng aktres sa pag-ibig at sinabing matatagalan pa bago siya umibig muli.
Matagal kaming nagkakwentuhan ni Kuya Mar D Guzman Cruz nang bigyan ito ng kanyang mga fans ng birthday party sa radio station DZXL-RMN. Napag-usapan namin si Sharon Cuneta na nagbabalik-TV sa Dos titled Sharon. Sa pagdaan ng maraming taon ay never na nagbago ang aktres pagdating sa kabaitan, kababaang loob at pagiging malapit sa press people. Marunong din itong magpahalaga sa mga taong malapit sa kanya like Kuya Mar na binigyan nito ng birthday dinner. Kahit tuwing Pasko ay siya mismo ang nagsusulat ng dedication sa Christmas card, personalized, ika nga.
Sana nga magsilbi siyang (Sharon) magandang halimbawa sa mga kabataang artista ngayon na karamihay konting tagumpay lang ang matamo ay kay daling lumaki ng ulo.
Type pala ng isang manager na tatawagin nating Manager 2 ang alaga ni Manager 1 dahil super gwapo nito at malakas pa ang sex appeal. Minsan ay nagbiro si Manager 2 na gusto niyang makilala ang talent dahil type raw niya ito kaya nagpapatulong sa isang kaibigang reporter.
Pero nang makaabot ito sa kaalaman ni Manager 1 ay bigla itong nag-dialogue ng "Over my dead body." Hindi kaya may relasyon din si Manager 1 at kanyang alaga?
Marami pa rin ang nagtatanong kung kailan sila pakakasal. Pero simpleng wedding lang ang gusto ng dalawa. Sinabi ng aktor na kasal na naman sila at mayroon ng biblical commitment. Pero naniniwala sila na sagrado pa rin ang kasal sa simbahan.
Sa tagal ng kanilang pagsasama ay hindi na apektado sina Zoren at Mina ng intriga. "We are one big, happy family at napatunayan na namin ang tibay ng aming relasyon sa pagdaan ng mga taon," sabi ni Zoren.
Sa unang linggo ng Marso ay lilipad itong Amerika para sa kanilang Soul Sisters tour kasama sina Jessa Zaragoza, Marissa Sanchez at Dingdong Avanzado. Kaliwat kanan muna ang raket ni Ara dahil matatagalan din silang magi-stay sa Amerika.
Nag-aaral ng gitara si Ara sa kasalukuyan at malaki ang naging impluwensya ni Jimmy Bondoc na co-producer ng kanyang album.
Ayaw munang mag-concentrate ng aktres sa pag-ibig at sinabing matatagalan pa bago siya umibig muli.
Sana nga magsilbi siyang (Sharon) magandang halimbawa sa mga kabataang artista ngayon na karamihay konting tagumpay lang ang matamo ay kay daling lumaki ng ulo.
Pero nang makaabot ito sa kaalaman ni Manager 1 ay bigla itong nag-dialogue ng "Over my dead body." Hindi kaya may relasyon din si Manager 1 at kanyang alaga?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended