Onemig, tumutulong sa mga bingi!
February 26, 2006 | 12:00am
Ngayong kasama na si Onemig Bondoc sa board of directors ng Philippine Institute for the Deaf, tiyak na higit niyang matutulungan ang paaralang nagbibigay ng gift of speech sa mga batang bingi.
Noon kasi ay nakalabas na si Onemig sa annual stage musical ng PID. Dito niya nakita ang milagrong nagaganap sa paaralan, na ang batang simula pa noong ipanganak ay hindi nagsasalita, pero nagawang pagsalitain, pakantahin at pasayawin ng PID.
Kilala na si Onemig Bondoc sa pagiging mapagkawanggawa. Kaya naman ang pagkahalal niya bilang board member ng PID, natutuwa ang administrasyon nito, sa pamumuno ng founder ng PID na si Mrs. Julie Esquerra-Marvin, dahil tiyak na makakatulong ang actor lalo na sa public awareness ng ibat ibang proyekto ng school for the deaf.
Sa taong ito, napili ng PID ang Alice in Pinoyland na maging stage musical at graduation recital nila. Itatanghal ito sa Carlos P. Romulo auditorium sa RCBC Plaza, Makati, sa March 16, alas-4 ng hapon at alas-9 ng gabi.
Ang mga guest celebrities ay pinangungunahan nina Mitch Valdez, Rachelle Ann Go, Jimmy Bondoc at Erika Jill.
Si Erika Jill ay anak ni Julie sa kanyang dating mister, ang yumaong si Gary Bautista na dating lead singer ng Society of Seven.
Kahit matagal nang hiwalay kay Gary si Julie, mahigit 30 years, noong isang taon lang siya kumuha ng divorce papers. Nagpakasal na kasi si Julie sa mayamang negosyanteng taga-Virginia, USA na si Marty Marvin.
Nakilala ni Julie si Marty sa internet, nang magsimulang mag-donate sa PID ang businessman. Nagtungo siya sa Pilipinas upang makilala ng personal ang moving spirit ng PID at talagang na-in love siya sa multi-awarded Pinay educator.
Si Denisse Limcuando, ang gaganap sa title role sa Alice In Pinoyland. Isa siyang graduating honor student ng PID.
Kung gusto ninyong manood ng kakaibang palabas na ito, at makatulong sa mga indigent deaf children para makapag-aral, tumawag sa 564-0156 at 564-0126; 0910-7103374.
Super spacious pala ang Metro Bar, doon sa West Avenue at dating Kampo.
Ito lang ang concert venue sa Metro Manila na may built-in hydraulic lifts stage. Meron pa silang motorized ramp/stage extension for ledge dancing at fashion shows at isang wide video screen.
Kabilang sa mga regular entertainers sa Metro Bar sina Ethel Booba, Vice Ganda, Anton Diva, Pretty Trizsa, Le Chazz, Kitkat at Janelle Jamer.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended