^

PSN Showbiz

‘PBB Teen Edition’ naka-set na!

- Veronica R. Samio -
Pagkatapos ng mga celebrities, mga teenagers na may edad 16-18 naman ang papasok sa Bahay ni Kuya. May mga nakatakdang auditions para sa mga susunod na housemates.

Para sa nga taga-Cebu at kalapit na probinsya, may audition ngayon Peb. 25, 10NU-2NH sa Cebu Entertainment Center.

Meron din sa Marso 3 at 4 sa NCC Mall, Davao. Ang mga taga-Maynila ay kailangang pumunta ng ABS CBN Complex sa Marso 10 at 11 at Mar. 17 at 18, 9NU-5NH.

Sa mga interesado, magdala lamang ng photocopy ng birth certificate, biodata at full body & close-up pictures.
* * *
Sayang, di ko na nahintay ang pagdating ni Sharon Cuneta sa launching ng kanyang programang Sharon sa ABS CBN na magsisimula na ngayong Pebrero 26, Linggo.

Maga-alas-3 na kasi ng hapon, late na para sa isang katulad ko na kailangang magsara pa ng pahina ko sa PSN. Maganda pa namang subject for interview si Mega, maraming sinasabi. Sa isang tanong mo lang, sangkatutak na ang impormasyong ibibigay niya sa ‘yo.

Anyways, balik-TV siya at may layuning magbigay kasiyahan ang kanyang programa sa mga manonood sa pamamagitan ng mga kwento at araw- araw nating mga iniisip at saloobin. Tutulungan siyang ipaabot ito sa manonood nina Uma Khouny at Jaymee Joaquin.
* * *
Magkakaro’n ng ispesyal na palabas si Piolo Pascual sa SM Megamall Megatrade Hall ngayong Peb. 26, Linggo. Ang pagtatanghal niya ay bahagi ng Backdoor Ventures Arts and Music Festival and Trade Fair para sa kapakanan ng Down Syndrome Association of the Philippines. Isang tatlong araw itong event na tumatalakay sa lahat ng aspeto ng arts, mula painting to literature to sculpture, drawing at performing arts (theater, dance and song). Nagkaro’n ng mga seminars at workshops.

Magpi-perform sina Joey Pepe Smith, Stonefree, Juana, Shirley Halili-Cruz School of Ballet, Indio-I, The Late Isabel, Bisqit Factory at marami pang iba.

Para sa iba pang detalye, tumawag sa 5322813/5344648/0916-781485 o mag-email sa backdoor [email protected]
* * *
Malapit nang maipakita ni Raymond Bagatsing ang kanyang husay sa pag-arte sa isang international audience. Bahagi ito ng premyo niya sa Hollywood Dream, isang pakontes ng ABC 5 na kung saan ay isa siya sa dalawang nanalo, ang isa pa ay si Julia Clarete.

Lalabas siya sa dalawang Hollywood-produced movies, sa TV show na UN Murders at magkakaro’n ng walk-on part sa soap na As The World Turns. Bibigyan din siya ng Screen Actors Guild o SAG card, isang most coveted card sa mga artista sa buong mundo.

Habang naghihintay, abala ito sa paggawa ng kanta para sa kanyang banda na Raymond Bagatsing & The Bandidos.

Siya rin ang latest endorser ng Nescafe Gold na ikinagulat niyang malaman ay nagtataglay pala ng antioxidants.

"Nakatutuwang malaman na ang paborito kong beverage na malaking tulong sa aking trabaho ay mabuti rin pala sa aking health," aniya.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

AS THE WORLD TURNS

BACKDOOR VENTURES ARTS AND MUSIC FESTIVAL AND TRADE FAIR

BISQIT FACTORY

CEBU ENTERTAINMENT CENTER

CENTER

DOWN SYNDROME ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

RAYMOND BAGATSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with