Yul Servo, galit sa Masculados!
February 24, 2006 | 12:00am
Hanggang ngayon, hindi pa rin pala humuhupa ang galit ni Yul Servo sa Masculados magmula nang magsalita sila ng laban sa manager niyang si Direk Maryo J. delos Reyes. Maski nung buwan pa ng January nangyari yung pagbira nila kay direk na agad namang inaksyunan nito sa pamamagitan ng paghahanap ng mga bagong myembro ng Masculados (na on-going pa rin ngayon) ay talaga namang bad trip pa rin si Yul sa kanila.
"Wala silang utang na loob," wika pa ni Yul. "Yung taong mismong tumulong sa kanila para magka-pangalan ay yun pa mismo ang kinalaban nila! Maski marami sila, kaya ko silang upakan, maipagtanggol ko lang ang kaapihan na dinulot nila kay Direk Maryo!
"Napakabait na tao ni Direk Maryo, kaya ako ang mas higit na nasaktan sa ginawa nila sa kanya," dugtong pa ni Yul. "Maka-karma rin sila. Kilala ng buong showbiz ang kabaitan ni direk!"
Kaya naman sinuswerte si Yul dahil very loyal siya sa kanyang manager. Hindi rin nagbabago ng pag-uugali si Yul. At marami pa ring plano si Direk Maryo sa kanyang career this 2006.
Na-tomboy daw si Melanie "Gng. Fashionista" Marquez sa beauty ni Rainier Castillo nang minsang magsuot-babae ito sa isang pa-contest ng Eat Bulaga na kung saan isa sa judges si Mama Melanie. Lumabas ang pagka-tomboy ni Mama Melanie at halos mainlab siya sa kagandahan ni Rainier bilang isang babae.
"Carry na carry niya at ang ganda-ganda niya!" tili ni Melanie. "Kung naging tunay na babae si Rainier ay liligawan ko siya, kaso lalaki siya, eh. Ayoko namang ma-link sa lalaking bagets at this point in my life. Puwede pa sa babaing bagets!"
Happy ngayon si Mama Melanie dahil tumataas daw ang rating ng Gng. Fashionista na show niya sa QTV 11. Ito raw ang perfect gift sa kanya ni Lord sa taong 2006.
"Naisi-share ko kasi sa mga tao ang kaalaman ko sa beauty & fashion na expertise ko," sey pa ni Mama Melanie. "Malaking bagay yung makita mo ang development ng mga tao kapag nag-aayos at nagdadamit sila ng tama. Kailangan nilang mag-compete sa trend at sa pagbabago ng panahon. We all have to move on." Robert Silverio
"Wala silang utang na loob," wika pa ni Yul. "Yung taong mismong tumulong sa kanila para magka-pangalan ay yun pa mismo ang kinalaban nila! Maski marami sila, kaya ko silang upakan, maipagtanggol ko lang ang kaapihan na dinulot nila kay Direk Maryo!
"Napakabait na tao ni Direk Maryo, kaya ako ang mas higit na nasaktan sa ginawa nila sa kanya," dugtong pa ni Yul. "Maka-karma rin sila. Kilala ng buong showbiz ang kabaitan ni direk!"
Kaya naman sinuswerte si Yul dahil very loyal siya sa kanyang manager. Hindi rin nagbabago ng pag-uugali si Yul. At marami pa ring plano si Direk Maryo sa kanyang career this 2006.
"Carry na carry niya at ang ganda-ganda niya!" tili ni Melanie. "Kung naging tunay na babae si Rainier ay liligawan ko siya, kaso lalaki siya, eh. Ayoko namang ma-link sa lalaking bagets at this point in my life. Puwede pa sa babaing bagets!"
Happy ngayon si Mama Melanie dahil tumataas daw ang rating ng Gng. Fashionista na show niya sa QTV 11. Ito raw ang perfect gift sa kanya ni Lord sa taong 2006.
"Naisi-share ko kasi sa mga tao ang kaalaman ko sa beauty & fashion na expertise ko," sey pa ni Mama Melanie. "Malaking bagay yung makita mo ang development ng mga tao kapag nag-aayos at nagdadamit sila ng tama. Kailangan nilang mag-compete sa trend at sa pagbabago ng panahon. We all have to move on." Robert Silverio
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended