Angel, binigyan ng b-day party ang kanyang ama
February 22, 2006 | 12:00am
Biglaan ang pagbibigay ni Angel Locsin ng birthday party sa kanyang daddy na si Mang Angel Colmenares. Ang selebrasyon na idinaos sa MEZA Bar and Restaurant noong Linggo ay dinaluhan ng malalapit na kamag-anak at kaibigan at mga pamangkin ni Mang Angel.
Samantala, enjoy si Angel sa kanyang horse back riding lessons kay Mikee Cojuangco.
Limang araw lamang ay natuto na agad siya. Yun nga lang, sumasakit ang kanyang katawan. Ang pangangabayo ay kailangan niya sa bagong teleserye niyang Majika katambal si Dennis Trillo.
Na-meet namin ni Congressman Rudy Bacani ng 4th district ng Maynila ang nakababatang kapatid ni Bishop Teodoro Bacani nang maging guest ito sa Manny Pacquiao Sports Idol sa Channel 13. Bata pa ito at malaki ang hawig kay Sen. Ralph Recto.
Isa sa may labis na pagmamahal sa movie industry si Cong. Rudy Bacani.
"Mabuti na lang at uso ngayon ang digital films. Pero naniniwala ako na hindi tuluyang mamamatay ang pelikulang Tagalog," aniya.
Nakikiayon ito sa magandang layunin ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ma-globalize ang mga pelikula natin kaya naman nagbibigay ito ng insentibo lalo na kapag sumasapit ang Metro Manila Film Festival para makagawa ng mga de-kalidad na pelikula.
Tumutulong noon si Congressman Bacani sa Manila Film Festival. Umaasa ito na sanay magbalik ang pagdiriwang ng Manila Film Festival.
Ang kanyang magandang maybahay ay mahilig manood ng pelikulang Tagalog at updated sa mga nangyayari sa showbiz.
Matagal nang hiwalay ang sikat na aktres at bf nito na isa ring sikat na aktor. Kaya nagtataka ang aktres kung bakit dinadalaw na naman siya nito sa kanilang tahanan pero sa alanganing oras pa kung saan kasarapan pa naman ng kanyang tulog sa madaling araw.
Hindi na lang niya ito kinakausap, pinapasok na lang ng bahay at siya naman ay dumiretso na sa kwarto para matulog muli. Ang ending, ang nanay-nanayan ng aktres ang nagsabing huwag nang dumalaw ang aktor sa ganoong oras dahil hindi magandang tingnan.
Samantala, enjoy si Angel sa kanyang horse back riding lessons kay Mikee Cojuangco.
Limang araw lamang ay natuto na agad siya. Yun nga lang, sumasakit ang kanyang katawan. Ang pangangabayo ay kailangan niya sa bagong teleserye niyang Majika katambal si Dennis Trillo.
Isa sa may labis na pagmamahal sa movie industry si Cong. Rudy Bacani.
"Mabuti na lang at uso ngayon ang digital films. Pero naniniwala ako na hindi tuluyang mamamatay ang pelikulang Tagalog," aniya.
Nakikiayon ito sa magandang layunin ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ma-globalize ang mga pelikula natin kaya naman nagbibigay ito ng insentibo lalo na kapag sumasapit ang Metro Manila Film Festival para makagawa ng mga de-kalidad na pelikula.
Tumutulong noon si Congressman Bacani sa Manila Film Festival. Umaasa ito na sanay magbalik ang pagdiriwang ng Manila Film Festival.
Ang kanyang magandang maybahay ay mahilig manood ng pelikulang Tagalog at updated sa mga nangyayari sa showbiz.
Hindi na lang niya ito kinakausap, pinapasok na lang ng bahay at siya naman ay dumiretso na sa kwarto para matulog muli. Ang ending, ang nanay-nanayan ng aktres ang nagsabing huwag nang dumalaw ang aktor sa ganoong oras dahil hindi magandang tingnan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended