^

PSN Showbiz

80 lang ang imbitado sa kasal nina James, Kris!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Nabasa naming 80 guests lang ang iimbitahan nina Kris Aquino at James Yap sa church wedding nila sa December? Kung totoo ito, tiyak na mahihirapan silang mamili sa marami nilang kaibigan sa very private nilang wedding.

Wala sanang magtampo sa relatives and friends nilang hindi maiimbita. Prerogative  ng mga ikakasal kung sino ang gusto nilang imbitahan kaya, bawal ang negative. May TV coverage ang ABS-CBN ng kasal at mapapanood pa rin ng di invited.

Naalala namin ang kasal nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na limitado rin ang imbitado at wala pa ngang media coverage. Nalaman lang na sila’y ikinasal pagkatapos na ng ceremony. Puwede naman palang magkaroon ng tahimik na kasal ang mga celebrity kung kanilang gugustuhin.

Sa December pa ang Kris-James wedding, posible kayang madagdagan pa ang bilang ng kanilang iimbitahan kahit paabutin man lang ng 100? I’m sure, may mga nagdarasal na magbago ang isip ng dalawa.
* * *
In-announce na ni Regine Velasquez na may repeat ang Forever After concert nila ni Ogie Alcasid. Sa March 11 na raw ito at sa Araneta Coliseum pa rin gagawin. For sure, kasama pa rin sina Rico J. Puno at Aiai delas Alas na napakahusay ng performance sa two-night concert.

Malabong mangyari ito pero, ipinaparating namin kina Regine at Ogie ang request ng ilang fans na sana’y hindi na isama si Rico. Hindi ma-take ng mga nagrereklamo ang mga pinakawalan nitong green jokes kahit maraming bata sa audience. Kahit daw ipinaaalala sa singer-politician na may minors na nanood, hindi pa rin ito nagpapigil sa mga berde niyang jokes. Pati nga si Regine, hindi nakaligtas sa kanyang mga biro at idinaan na lang sa ngiti ang mga naririnig.
* * *
Habang naghihintay ng next project sa GMA-7, sa kanyang studies sa UP Diliman muna ang oras ni Chynna Ortaleza. Magsi-shift siya sa courses na related sa showbis ng Film or Broadcasting.

Sa kanyang pag-aaral din nagko-concentrate ang boyfriend niyang si Railey Valeroso na tinanggap nang hindi siya lucky sa showbiz. Sa UP din ito kumukuha ng Business course at may maliit din itong negosyo at maganda ang kinikita nito.

Two years and seven months nang on sina Chynna at Railey at wala pa silang balak mag-asawa. Ikinuwento ng dalaga na hindi na sila nag-aaway ng boyfriend gaya noong bago palang ang kanilang relasyon.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

CHYNNA ORTALEZA

FOREVER AFTER

JAMES YAP

KIKO PANGILINAN

KRIS AQUINO

OGIE ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with