Nagbibenta ng awards ang naninira kay Joey!
February 18, 2006 | 12:00am
Matapos ang kanyang ginawang statement sa Startalk, hindi pa rin lumalabas si Joey de Leon sa ibang tv shows, maliban sa Eat Bulaga. Sinabi naman yon ni Joey eh, sa kanyang ginawang iyon, pinagbigyan niya ang kagustuhan ng kanyang anak, at sinuway niya ang kagustuhan ng mga producers niya sa Eat Bulaga.
Pero ipinagtanggol lamang ni Joey ang kanyang sarili laban sa black propaganda na ginagawa laban sa kanya. Karapatan naman niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.
Nakatanggap din naman kami ng message na iyon na nagsasabing, sinabi raw ni Joey de Leon na sumama na ang mga tao sa kanila dahil lahat sila ay buhay, hindi kagaya sa iba na marami ang patay. Hindi namin pinansin ang message na iyon, dahil noong tanghaling iyon ay nanonood kami ng Eat Bulaga, at wala naman talagang sinabing kahit na ano si Joey. In fact nakiisa pa siya sa tahimik na pananalangin para sa mahigit na 70 taong namatay, at mahigit na 500 nasaktan sa Wowowee.
Ang nagpadala sa amin ng message na iyon ay isang talent manager-choreographer. Ang sinasabi namang nagkalat daw ng message na iyon ay isang female movie writer na nabalita ring involved sa pagbebenta ng awards. Ang talaga naman daw source noon ay isang babaing pr personnel ng isang tv station. Palagay namin, nagpa-panic sila kaya naghahanap sila ng damay. Kung idadamay nga naman nila at masisira si Joey de Leon, hindi lang iyon magiging isang disaster sa Eat Bulaga kundi sa iba pang shows ng Channel 7 kung saan kasama si Joey, na lahat matataas ang ratings.
Ngayon hinahamon sila ni Joey. Maglabas sila ng ebidensiya na may sinabi nga siyang ganoon at hindi na siya lalabas pa sa telebisyon kailanman. Eh wala namang mailalabas yang mga iyan dahil kami nga mismo nanonood wala kaming nakitang ganoon eh, sila pa bang noong araw na iyon ay nakatutok sa mga namatay sa kanilang show, at abala sa pag-iisip ng gagawin nilang alibi?
Kaya sa totoo lang, tama ang sinabi ni Joey. Ang nagkakalat ng ganyang kuwento ay sinungaling, at hindi na ninyo dapat pang paniwalaan, o basahin ang kanilang mga sinusulat na puro naman binayaran lang.
Swerte na rin si Manny Pacquiao, dahil nang gawin ang kanyang filmbio, ang premyadong direktor na si Joel Lamangan ang pinagawa noon. Isang bagay ang sigurado, magiging isang mahusay na pelikula ang gagawin tungkol sa kanyang buhay. Kung yang filmbio niya ay napunta sa kung sinu-sinong direktor lamang, sayang siya.
Ganoon ang nangyari sa ibang boxers at sports personalities na gumawa ng pelikula. Dahil malaki na ang bayad sa kanila, ibinigay naman ang project sa kung sinu-sinong direktor lamang. Walang nangyari sa kanila.
Postponed muna ang ground breaking sa itinatayong national shrine ni Santo Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas, pero syempre ang healing mass ay tuloy pa rin tuwing ika- 23 ng buwan, sa ganap na 9NU, at 6NH. Marami ang nababalitang gumagaling sa kanilang mga isinasagawang healing mass na iyan at marami rin ang bumubuti ang kabuhayan.
Pero ipinagtanggol lamang ni Joey ang kanyang sarili laban sa black propaganda na ginagawa laban sa kanya. Karapatan naman niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.
Nakatanggap din naman kami ng message na iyon na nagsasabing, sinabi raw ni Joey de Leon na sumama na ang mga tao sa kanila dahil lahat sila ay buhay, hindi kagaya sa iba na marami ang patay. Hindi namin pinansin ang message na iyon, dahil noong tanghaling iyon ay nanonood kami ng Eat Bulaga, at wala naman talagang sinabing kahit na ano si Joey. In fact nakiisa pa siya sa tahimik na pananalangin para sa mahigit na 70 taong namatay, at mahigit na 500 nasaktan sa Wowowee.
Ang nagpadala sa amin ng message na iyon ay isang talent manager-choreographer. Ang sinasabi namang nagkalat daw ng message na iyon ay isang female movie writer na nabalita ring involved sa pagbebenta ng awards. Ang talaga naman daw source noon ay isang babaing pr personnel ng isang tv station. Palagay namin, nagpa-panic sila kaya naghahanap sila ng damay. Kung idadamay nga naman nila at masisira si Joey de Leon, hindi lang iyon magiging isang disaster sa Eat Bulaga kundi sa iba pang shows ng Channel 7 kung saan kasama si Joey, na lahat matataas ang ratings.
Ngayon hinahamon sila ni Joey. Maglabas sila ng ebidensiya na may sinabi nga siyang ganoon at hindi na siya lalabas pa sa telebisyon kailanman. Eh wala namang mailalabas yang mga iyan dahil kami nga mismo nanonood wala kaming nakitang ganoon eh, sila pa bang noong araw na iyon ay nakatutok sa mga namatay sa kanilang show, at abala sa pag-iisip ng gagawin nilang alibi?
Kaya sa totoo lang, tama ang sinabi ni Joey. Ang nagkakalat ng ganyang kuwento ay sinungaling, at hindi na ninyo dapat pang paniwalaan, o basahin ang kanilang mga sinusulat na puro naman binayaran lang.
Ganoon ang nangyari sa ibang boxers at sports personalities na gumawa ng pelikula. Dahil malaki na ang bayad sa kanila, ibinigay naman ang project sa kung sinu-sinong direktor lamang. Walang nangyari sa kanila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended