^

PSN Showbiz

Jericho, susubok bilang singer

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Halata mong excited si Jericho Rosales sa ginawa niyang recording at sa concert na gagawin niya sa Malaysia, kaya nga kahit ‘yon ay press conference para sa kanyang pelikulang Pacquiao, ang recording at concert ang ikinikuwento niya. Noong araw na yon ay mas maaga rin siyang umalis dahil papunta rin siya sa Malaysia para sa isang press conference at launching nga ng kanyang album doon.

Isipin mo nga naman, ilang taon na rin siyang artista, at pinakakanta-kanta sa kung saan-saang tv shows, isinasama pa siya sa mga hindi naman singers talaga, pero bilang singer ay hindi naman siya nabigyan ng break. Mabuti nga at kinuha siya ng ibang recording company at nabigyan ng pagkakataon. Kung natali siya pati sa recording doon sa kanyang homestudio, aywan kung magkaroon siya ng ganyang break lalo na sa abroad.

Ganyan ang nangyayari ngayon lalo na sa ibang Asian artists. Tingnan ninyo si Rain, sikat siya ngayon sa Taiwan, Japan, India, bukod pa sa sarili niyang bayan sa Korea. Ganoon din ang matinee idol sa Korea na si Bae Yong Joon. Ano ang malay ninyo baka maging star din sa buong Asya si Jericho.

Nagawa na iyan ng mga Pilipino noong araw pa. Bukod kay Pilita Corrales na naging sikat sa buong Asya, naging malaking singing sensation din noong araw si Helen Gamboa, kaya nga lang sa abroad ay kilala siya sa kanyang alyas na Bunny Channel.

Malaking bagay din iyon. Kung halimbawang sumikat nga si Jericho sa abroad, pati ang kanyang pelikulang Pacquiao maaari na ring ibenta roon. Ganyan ang kailangan natin sa ngayon eh, iyong maibenta sa abroad ang ating mga pelikula at mapasikat din doon ang ating mga artista, dahil kung dito lang sa local market ang ating aasahan, mukhang wala pa ring mangyayari.
* * *
Isang araw ay nakita namin si Ara Mina sa isang mall, kinabukasan naman, madaling araw pa lamang ay napanood na namin siya sa Unang Hirit, kumakanta na at nagpo-promote ng kanyang album na "Moving On."

Iyan ang kaibahan ni Ara Mina, basta sineryoso niya talaga ang ano mang bagay sa kanyang career, talagang trabaho ang kanyang ginagawa. Kahit naman noong araw, hindi kagaya si Ara ng iba na ma-in love lang ay nasisira ang career. Para sa kanya, talagang ginagawa niyang priority ang career.

Marami ang nanliligaw kay Ara. Bakit naman hindi eh talaga namang maganda siya? Pero nagagawa niyang siguruhin na mas mabibigyang panahon niya ang kanyang trabaho bago ang ano pa man.
* * *
Napakalaki na nga ng ipinagbago ng isang male star. Nakita namin siya na naka-corporate look. Kagalang-galang talaga ang kanyang dating. Ingles na rin kung magsalita. Pero naaalala pa rin namin na minsan may nakita kaming isang picture niya na walang suot na t-shirt, naka-shorts lang at nakayakap sa isang gay movie writer. Hindi pa siya artista noong panahong iyon. At sa kwento ng gay movie writer, P50 lang daw ang bayad nila sa service niya.

vuukle comment

ARA MINA

ASYA

BAE YONG JOON

BUNNY CHANNEL

GANYAN

HELEN GAMBOA

JERICHO ROSALES

KANYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with