^

PSN Showbiz

Uma, Cass, tinatalo sa ratings sina Regine at Dingdong!

-
Two weeks nang nauungusan ng programang Komiks ng ABS-CBN ang mga programang ‘Wag Kukurap at Pinoy Pop Superstar.

Sina Uma Khouny at Cassandra Ponti ang bida sa Blusang Itim ng Komiks na nakakuha ng 27% samantalang ang Pinoy Pop Superstar ni Regine Velasquez ay nakakuha naman ng 25% at 18% naman ang kay Dindong Dantes.

Ayaw naming isiping nagsawa na ang viewers sa linggu-linggong katatakutan at sawa na rin marahil kina Songbird, Jaya, Danny Tan at Floy Quintos o sa cleavage ni Regine?

Anyway, abangan uli ito kung mapapangatluhan uli ito sa susunod na Sabado.
* * *
Maganda ang exposure ng isang artista kapag na-cover siya sa isang male mag kaya naman marami ang may gustong ma-feature sila maski nga mga teeners ngayon ay feel na ring mapasama sa isang male magazine.

Hindi alam ng iba na may consequences din kapag na-feature ka sa male magazine dahil malaking epekto ito sa endorsements.

Ayon mismo sa staff ng ABS-CBN na nakakuwentuhan namin ay marami raw silang talents na nire-request ng leading male mag para mag-pose sa kanila.

"Pinaparating namin sa artista na interesado sa kanila ang nasabing mag at the same time pinapaliwanagan din namin ang kapalit nito na hindi na sila kukuning endorser ng isang produkto kapag nag-pose sila kasi ayaw ng kliyente.

"Minsan kasi, itong mga kliyente namin, nakikiusap na kung maari ay huwag namin payagan ang mga artista naming ma-feature sa mga male mags kasi nga hindi nila kukunin. Marami ang pinahihinog pa or may pinapatapos pang kontrata," esplika sa amin.

Biglang pumasok sa isipan namin si Shaina Magdayao na recently ay nagpahayag sa aming type ring niyang maging cover ng isang male magazine pero nagkaproblema dahil kaliwa’t kanan ngayon ang endorsements at ang latest ay ang isang toothpaste product kasama ang talent ng Siete na si JayR.

Di kaya biglang maglaho ang mga ito kapag nakita na ang bunsong Magdayao sa babasahing pang-lalaki?

"Actually, na-explain na namin ‘yan kina Mommy Deanne Magdayao na may ganu’n agreement at um-okey naman sila na hindi nila papayagan si Shaina dahil kung mangyayari ‘yun, maraming mawawala," kuwento pa niya.
* * *
Gaano katotoo na kung si Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang masusunod ay ayaw sana niyang isama sa filmbio niya ang tungkol sa babaing lumitaw na naanakan niya dahil baka raw mapaglaruan ang isyu sa promo ng pelikula at makaapekto ito sa pamilya niya?

Ito ang narinig naming pinag-uusapan ng kampo ni Manny during the presscon ng Pacquiao na ginanap sa Crowne Plaza Hotel last Sunday.

Pero desidido naman si Mommy Rose Flaminiano ng FLT Films na isama ang babae’t anak dahil parte raw iyon ng buhay ng tinaguriang Pambansang Kamao ng Pilipinas at gayun din si Direk Joel Lamangan dahil ang katwiran niya "Kapag ang tao, may pagkakamali, may pagsisisi so dapat kasama lahat ‘yun."

At say naman ng gagawa ng script na si Roy Iglesias, "Dahil filmbio ito, dapat lang na mag-stick tayo sa truth. — Reggee Bonoan

BLUSANG ITIM

CASSANDRA PONTI

CROWNE PLAZA HOTEL

DAHIL

DANNY TAN

DINDONG DANTES

DIREK JOEL LAMANGAN

FLOY QUINTOS

PINOY POP SUPERSTAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with