^

PSN Showbiz

Matandang mahilig sa sex!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Mahilig sa mga bagets ang matandang hairdresser na ang pinakahuli ay halos kasing edad na ng kanyang mga anak.

Mahilig pa rin ito sa romansa kahit may edad na, naiibsan ang init ng katawan kapag may ka-partner sa kama.
Manny, Manonood Na Lang Sa Syuting Ng Filmbio
Nagmistulang fans day ang launching/presscon ng filmbio ni Manny Pacquiao pero, sa halip na mga tagahanga ay puro taga-media ang nagpapirma ng autograph sa boksingero at nagpakuha ng litrato.

Ayaw sabihin ni Manny kung magkano ang TF niya sa movie.

Co-prod siya ni Mommy Rose Flaminiano ng movie kaya manonood na lang siya ng syuting nito. Hindi naman bagito sa acting ang aktor-boksingero dahil ilan na rin ang pelikulang nagawa nito sa MMG Films at pinakuhuli ang Lisensyadong Kamao under Violet Films kung saan siya ang bida.
Pamilya Ni Heart, Di Boto Kay Echo?
Halos lahat ng leading ladies ni Jericho Rosales ay nail-link sa kanya. Hindi kaya magselos si Heart Evangelista?

"Heart is so professional. She knows my job at pareho kaming artista kaya hindi ito magseselos at siguro naman hindi ako mali-link kay Bea (Alonzo) dahil open na ang relasyon namin ni Heart," aniya.

Matagal-tagal na rin ang relasyon ng aktor at ni Heart pero hanggang ngayon ay di pa rin pala ito nakikipagkita sa daddy at mommy ng aktres.
Bea-John, Mahilig Sa Karinyo-Brutal
Nakakwentuhan namin ang magaling na scriptwriter na si Mel del Rosario ng pelikulang Close To You.

"Maganda ang istorya ng pelikula dahil tumatalakay ito sa magandang pagkakaibigan ng dalawang nilikha na umusbong sa isang tapat na pagmamahalan. Hindi na teeny-boopers sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz kaya bagong karakter nila ang mapapanood sa movie. Apat na taon nang magka-loveteam sina Bea at John at nagkasama sa tatlong teleserye at tatlong pelikula kaya di maawat ang kanilang closeness. Kapag naglalambingan ang dalawa ay parang karinyo-brutal ang ipinamamalas kung saan minsan ay hahampasin ng aktres ang katambal sa braso. Hawig ang kanilang karakter sa tunay na buhay," paliwanag ng scriptwriter.

Saludo si Mel kay John dahil intelihente ito at nagsa-suggest sa ilang eksena. Naniniwala ito na tatagal ang aktor dahil mahal nito ang kanyang trabaho.

Sa kabilang banda di nauubusan ng ideya si Mel dahil mahilig itong makipag-usap sa mga tao.

vuukle comment

BEA

BEA ALONZO

CLOSE TO YOU

DI BOTO KAY ECHO

HEART EVANGELISTA

JERICHO ROSALES

JOHN LLOYD CRUZ

LISENSYADONG KAMAO

MAHILIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with