Jerichos Jean, sa Malaysia nag-launch ng album!
February 14, 2006 | 12:00am
Kahit hit na hit pa rin ang kantang "Sandalan" ng alternative pop na 6cyclemind, inilabas na ng grupo ang kanilang latest single na "I" mula sa album nilang "Panorama."
Kung paano tinangkilik ang mga kanta nilang "Barkada" "Biglaan," "Pa Ba," at "Sige," inaasahang hahataw din sa ere ang kanilang latest song na "I" na sinulat at inareglo ng grupo bilang pasasalamat nila sa suporta ng kanilang mga fans.
Obviously na ang pangalan ng grupo na 6cyclemind ay binubuo ng lalaki na ang bonding ay music. Sila ang nagtulung-tulong na sumulat at nag-areglo ng mga kanta sa kanilang album na "Panorama" na naglalaman ng "Clown," "Collide," "Online," "Di Tayo Titigil," "Naghihintay," "Umaasa," "Away," "Touch," "Landas" at "Kailanman" na release ng Sony BMG.
Labing-apat naman ang myembro ng Brownman dahil marami raw silang instrumento. Pero nine lang silang nakikita natin kapag tumutugtog.
Twelve years na pala ang Brownman. Kilala sila sa underground music scene, pero mas lumawak at lumakas ang kanilang fans ngayong nag-mainstream na sila.
Hilig ng grupo ang reggae songs na alam naman natin na impluwensiya ng mga Jamaican. Pero dahil sa kayumanggi ang kulay ng grupo ay tinawag nilang Brownman ang kanilang banda na itinuturing ngayong one of the best loved Pinoy reggae bands in the country.
Ang mga hit na kanta ng kanilang album na Brownman Revival tulad ng "Maling Akala," "Ikaw Lang Aking Mahal," "Lintik" at ang latest single nilang "Binibini" na release din ng Sony BMG.
Sa Malaysia pa nag-launch ng album si Jericho Rosales ng kanyang bandang Jerichos Jeans. Ang album ay pinamagatang "Loose Fit" na release ng EMI Malaysia, kasabay din ng concert nila sa nasabing bansa.
Ang kaibigang Muslim ni Jericho ang tumulong sa kanya upang marinig ng EMI Malaysia ang kanilang demo tape.
"Hindi lang dahil sa sikat ako sa Malaysia dahil sa Pangako at Sanay Wala Nang Wakas na teleserye namin kaya nila kami kinuha. Kundi talagang nagustuhan nila ang music namin. They saw something in the album. At maganda ang plano nila sa banda," paliwanag ni Jericho.
Bukod sa mga shows sa ibat ibang lugar sa Malaysia magkakaroon din sila ng concert sa Hong Kong at Singapore.
Pero malamang daw na mauuna muna silang magpunta sa Las Vegas para sa shooting ng kanyang movie na Pacquiao ni Manny Pacquiao kasama si Bea Alonzo na pinagtutulungan ng Star Cinema at FLT Films sa direksiyon ni Joel Lamangan.
Kung paano tinangkilik ang mga kanta nilang "Barkada" "Biglaan," "Pa Ba," at "Sige," inaasahang hahataw din sa ere ang kanilang latest song na "I" na sinulat at inareglo ng grupo bilang pasasalamat nila sa suporta ng kanilang mga fans.
Obviously na ang pangalan ng grupo na 6cyclemind ay binubuo ng lalaki na ang bonding ay music. Sila ang nagtulung-tulong na sumulat at nag-areglo ng mga kanta sa kanilang album na "Panorama" na naglalaman ng "Clown," "Collide," "Online," "Di Tayo Titigil," "Naghihintay," "Umaasa," "Away," "Touch," "Landas" at "Kailanman" na release ng Sony BMG.
Twelve years na pala ang Brownman. Kilala sila sa underground music scene, pero mas lumawak at lumakas ang kanilang fans ngayong nag-mainstream na sila.
Hilig ng grupo ang reggae songs na alam naman natin na impluwensiya ng mga Jamaican. Pero dahil sa kayumanggi ang kulay ng grupo ay tinawag nilang Brownman ang kanilang banda na itinuturing ngayong one of the best loved Pinoy reggae bands in the country.
Ang mga hit na kanta ng kanilang album na Brownman Revival tulad ng "Maling Akala," "Ikaw Lang Aking Mahal," "Lintik" at ang latest single nilang "Binibini" na release din ng Sony BMG.
Ang kaibigang Muslim ni Jericho ang tumulong sa kanya upang marinig ng EMI Malaysia ang kanilang demo tape.
"Hindi lang dahil sa sikat ako sa Malaysia dahil sa Pangako at Sanay Wala Nang Wakas na teleserye namin kaya nila kami kinuha. Kundi talagang nagustuhan nila ang music namin. They saw something in the album. At maganda ang plano nila sa banda," paliwanag ni Jericho.
Bukod sa mga shows sa ibat ibang lugar sa Malaysia magkakaroon din sila ng concert sa Hong Kong at Singapore.
Pero malamang daw na mauuna muna silang magpunta sa Las Vegas para sa shooting ng kanyang movie na Pacquiao ni Manny Pacquiao kasama si Bea Alonzo na pinagtutulungan ng Star Cinema at FLT Films sa direksiyon ni Joel Lamangan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am