^

PSN Showbiz

Jericho, lito kung ilang buwan na sila ni Heart

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Umalis kahapon ang kambal na sina Richard Gutierrez at Raymond Gutierrez para sa first leg ng kanilang grand vacation. Three days sa Cambodia ang dalawa at sa Thursday, didiretso sila sa Australia.

Host ng StarStruck 3 The Nationwide Invasion at My Music Station ng QTV 11 si Raymond at malamang, babalik din siya agad pero, si Richard, hanggang March 1 pa sa Australia. Bakasyon grande ang drama ng young actor dahil sa pagbabalik niya’y sasabak na siya sa taping ng Captain Barbell.

Incidentally, ikatutuwa ng fans nina Richard at Angel Locsin ang balitang may bago silang pelikula dahil sa boxoffice success ng I Will Always Love You. Nai-text sa amin na last Sunday, P15 million ang gross nito. Between June or July ang target ng Regal at GMA Films na simulan ang shooting ng new movie ng magka-love- team.
* * *
Binigyan ng problema ni Jericho Rosales ang press sa presscon-launching ng Pacquiao. Obvious na nagkamali siya ng bilang kung ilang buwan na ang relasyon nila ni Heart Evangelista dahil ang unang sabi’y nine months na sila.

Dagdag pa ni Jericho, sa taping ng Panday sila nagka-debelopan pero, ang bilang ng press, five months at wala pang nine months ang kanilang adventure series. Anyway, bago pa magkagulo, kinorek ni Jericho na five months palang silang on ng dalaga. Para ipakita kung gaano ka-special ang gf sa kanya, ginawan siya ng kanta ni Jericho, ang "You Are So Beautiful" na kasama sa album ng banda niyang Jericho’s Jeans na "Loose Fit." May solo version din ang actor ng nasabing kanta.

Napa-"Oo nga" si Jericho sa suggestion na puwede silang mag-duet ni Manny to promote the movie dahil pareho silang kumakanta. First week of March sisimulan ni director Joel Lamangan ang shooting ng pelikula na kukunan sa maraming location.
* * *
Bongga ang mga alagang aso ni LJ Reyes at pareho nang lumabas sa telebisyon. Si Gab na bigay ni Mike Tan ay kasama niyang nag-guest sa Unang Hirit at si Dopey, ang alaga niyang Yorkshire Terrier ay nag-cameo bago ang 24 Oras. Siya ‘yung asong karga-karga ni Pia Guanio last Thursday. Ibinalita pala ni LJ na March 10 ang start ng shooting ng digital trilogy movie ng GMA Films. Graduates ng acting workshop ng GMA Artist Center ang mga bida rito. Kasama ni LJ sa Kulam episode si Ryza Cenon at love interest niya si Mark Manicad. The episode is directed by Ryhan Carlos.

Tampok sa Sanib episode si Mike at iba pang workshoppers at si Soxie Topacio ang director. Hindi namin nakuha ang title ng third episode at kung sino ang mga bida at director nito.

Samantala, masaya si LJ sa pagkakasama niya sa Top 12 Cover Models of 2005 of Mod Magazine dahil kasama siya sa circle nina Angel Locsin, Nadine Samonte, Precious Lara Quigaman, Bea Alonzo at iba pang nasa listahan. Copies sold daw ang pinagbasehan ng pagkakapili sa mga nabanggit.
* * *
Kahapon pa ang birthday ni Raphael "RJ" Martinez pero, binabati pa rin namin siya ng masayang kaarawan. Binigyan siya ng party ng parents na sina Louie at Karen Martinez sa bahay nila sa San Juan.

Masaya sa kanyang 16th birthday ang bagets dahil natupad ang dream niyang mapasama sa soap opera. Kasama siya sa cast ng Sa Piling Mo nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Ka-love triangle siya nina Maja Salvador at John Wayne Sace at alam nitong mapapasabak siya sa acting dahil parehong magaling ang dalawa.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ARTIST CENTER

BEA ALONZO

BETWEEN JUNE

BINIGYAN

CAPTAIN BARBELL

CENTER

COVER MODELS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with