Botox, hindi umepekto sa singer
February 13, 2006 | 12:00am
Balitang nagpa-botox ang sikat na singer na si A pero parang walang nangyaring pagbabago sa mukha nito. Kaya naman nananaghili ito sa kasabayang singer na si B na nagpa-botox din pero nagmukhang bata at kuminis pa rin at naging mamula-mula ang pisngi.
May concert ngayon ang singer na nagpa-botox pero walang nangyari dahil ganun pa rin ang kanyang itsura.
Magkaedad lang halos ang dalawang sikat na singer na hanggang ngayon ay di pa rin nababakante sa mga shows at concert here and abroad.
Habang walang ginagawang pelikula si Ara Mina ay itinuloy nito ang singing career at natapos ang third album na "Moving On" na ang carrier single ay "Paalam Na." Nakapaloob dito ang 10 revivals at isang original song. Nag-aaral ito ngayon ng pagtugtog ng gitara at malaki ang naitulong ni Jimmy Bondoc para mabuo ang album. Di kaya may mamuong relasyon sa dalawa dahil pareho silang loveless ngayon?
Sa kabilang banda, hindi na siya nakikialam sa lovelife ng kapatid na si Cristine Reyes at sinabing boto siya ngayon sa manliligaw (o boyfriend) na si Mark Lapid. Magalang kasi ang binata ayon pa kay Ara. Ang ayaw lang nito ay yung lalapit sa kanya ang kapatid at sasabihing buntis siya.
Interesting ang paksang pag-uusapan ngayon sa Sis dahil guests sina Gladys Reyes at Christopher Roxas, Maricel Laxa at Anthony Pangilinan, Yayo Aguila at William Martinez, Perla Adea at Romy Mallari at ilalahad nila kung paano naging matatag ang kanilang pagsasama sa paglipas ng maraming taon.
Bukas ay Valentines Day na kaya pwede nating sabihin sa ating special someone ang mga katagang "Mahal Kita... Period" na paksa ng Sis.
Haharanahin ni Andy Williams ang libu-libo niyang mga tagahanga bukas sa Araneta Coliseum sa isang espesyal na konsyerto sa Araw ng Mga Puso. Pinamagatang Andy Williams One Romantic Evening, ang pagtatanghal na mula sa Solar Entertainment Corporation ay ang pang-apat na yugto ng Asian tour ng American balladeer na darayo rin sa Tokyo, Hongkong, Taipei at Bangkok.
Itatampok din sa palabas ang mga piling tugtugin ni John Lesaca.
Inaasahang masisiyahan ang mga manonood sa matatamis na himig at walang maliw na mga kanta ng pag-ibig gaya ng "Moon River", "Days of Wine and Roses", "The Shadow of Your Smile", "Dear Heart", "Where do I Begin" at marami pang iba.
Noong 1973, nagkamit siya ng 17 gold album awards at nagpatanyag din dahil sa pag-awit ng theme songs ng mga pelikulang tulad ng Love Story ("Where Do I Begin"), The Godfather ("Speak Softly Love") at Romeo and Juliet ("A Time For Us").
Malaki rin ang naitulong sa katanyagan ni Williams ng kanyang lingguhang serye sa telebisyon, The Andy Williams Show na nagsimula noong September 16, 1963 at naging isa sa pangunahing programa ng NBC.
Hindi namin akalain na palaban din pala ang Filipina-German beauty na si Nadine Schmidt sa Pinoy Sex Video Fantasies kaya mabenta ang kanyang VCD sa loob at labas ng bansa. Bukod sa inosenteng kagandahan ay isa itong sex goddess na maituturing.
No-holds-barred ang 60-minute video at tiyak na mag-e-enjoy ang mga manonood laluna ang mga kalalakihan sa sex fantasies ni Nadine. Ipinamamahagi ito sa Pilipinas ng Viva Video.
May concert ngayon ang singer na nagpa-botox pero walang nangyari dahil ganun pa rin ang kanyang itsura.
Magkaedad lang halos ang dalawang sikat na singer na hanggang ngayon ay di pa rin nababakante sa mga shows at concert here and abroad.
Sa kabilang banda, hindi na siya nakikialam sa lovelife ng kapatid na si Cristine Reyes at sinabing boto siya ngayon sa manliligaw (o boyfriend) na si Mark Lapid. Magalang kasi ang binata ayon pa kay Ara. Ang ayaw lang nito ay yung lalapit sa kanya ang kapatid at sasabihing buntis siya.
Bukas ay Valentines Day na kaya pwede nating sabihin sa ating special someone ang mga katagang "Mahal Kita... Period" na paksa ng Sis.
Itatampok din sa palabas ang mga piling tugtugin ni John Lesaca.
Inaasahang masisiyahan ang mga manonood sa matatamis na himig at walang maliw na mga kanta ng pag-ibig gaya ng "Moon River", "Days of Wine and Roses", "The Shadow of Your Smile", "Dear Heart", "Where do I Begin" at marami pang iba.
Noong 1973, nagkamit siya ng 17 gold album awards at nagpatanyag din dahil sa pag-awit ng theme songs ng mga pelikulang tulad ng Love Story ("Where Do I Begin"), The Godfather ("Speak Softly Love") at Romeo and Juliet ("A Time For Us").
Malaki rin ang naitulong sa katanyagan ni Williams ng kanyang lingguhang serye sa telebisyon, The Andy Williams Show na nagsimula noong September 16, 1963 at naging isa sa pangunahing programa ng NBC.
No-holds-barred ang 60-minute video at tiyak na mag-e-enjoy ang mga manonood laluna ang mga kalalakihan sa sex fantasies ni Nadine. Ipinamamahagi ito sa Pilipinas ng Viva Video.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended