2 sikat na komedyante, naghihirap ngayon!
February 12, 2006 | 12:00am
Muling naghihirap ang dating sikat na komedyante na contract star noon ng isang major company. Balitang balik-droga ito. Nang makabalik ito sa showbiz ay huminto muna siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ngayong wala na siyang offer ay bumalik na naman daw sa masamang bisyo.
Ang ikalawang sikat na komedyante ay dating mainstay sa TV show ng isang major network. Nakasama ito sa pelikula na ipinalabas last year pero ang TF ay ipinambayad lang sa mga utang. Ngayon kahit anong raket ay wala siya.
Nakausap namin ang mabait na chairman ng MTRCB na si Mrs. Consoliza Laguardia. Sinabi nito na may bagong panukalang inihain ang mga produ na magdagdag ng R-15 classification dahil ang layo ng pagitan ng R-13 at R-18. Dapat ay may malagay sa gitna ng dalawang ito. Pag-uusapan pa kung mapagtitibay ang pagdaragdag ng R-15 kay Chairman Laguardia.
Ano naman ang reaksyon nito sa movie industry natin?
"Matamlay pa rin ang pelikulang Tagalog dahil sa film piracy at heavy taxes na ipinapataw sa mga manggagawa ng pelikula. Pero naniniwala ako na hindi tuluyang mamamatay ang ating industriya. Magaganda ang mga digital films natin ngayon na nagkamit ng award sa ibang festival sa abroad gaya ng Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. Maganda rin ang feedback sa Nasaan Si, Francis? Nagtutulung-tulong ang lahat kahit pa ang mga artista na nag-invest pa rin ng pera para makagawa ng makabuluhang digital films," paliwanag nito.
Tatlumput tatlong taon na ang nakararaan nang maganap ang isang marahas na terrorist attack na nasaksihan sa telebisyon ng 500 million viewers.
Isang grupo ng teroristang Palestinians ang sumalakay sa Munich at pinatay ang dalawang myembro ng Israeli Olympic team at binihag at hinostage ang siyam. Dalawamput isang oras lang nagtagal ang dramang kahindik-hindik. Napatay lahat ang mga terorista. Pero napatay ding lahat ng mga terorista ang mga hinostage nila.
Kung ano ang naganap pagkatapos ng trahedya ay tinalakay ng pelikulang Munich ni Steven Spielberg. Tampok sina Eric Bana, Daniel Craig, Hanns Sischler at marami pang iba.
Mula sa Dreamworks Pictures ang Munich at ipinamamahagi ng Solar-UIP.
Ang ikalawang sikat na komedyante ay dating mainstay sa TV show ng isang major network. Nakasama ito sa pelikula na ipinalabas last year pero ang TF ay ipinambayad lang sa mga utang. Ngayon kahit anong raket ay wala siya.
Ano naman ang reaksyon nito sa movie industry natin?
"Matamlay pa rin ang pelikulang Tagalog dahil sa film piracy at heavy taxes na ipinapataw sa mga manggagawa ng pelikula. Pero naniniwala ako na hindi tuluyang mamamatay ang ating industriya. Magaganda ang mga digital films natin ngayon na nagkamit ng award sa ibang festival sa abroad gaya ng Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. Maganda rin ang feedback sa Nasaan Si, Francis? Nagtutulung-tulong ang lahat kahit pa ang mga artista na nag-invest pa rin ng pera para makagawa ng makabuluhang digital films," paliwanag nito.
Isang grupo ng teroristang Palestinians ang sumalakay sa Munich at pinatay ang dalawang myembro ng Israeli Olympic team at binihag at hinostage ang siyam. Dalawamput isang oras lang nagtagal ang dramang kahindik-hindik. Napatay lahat ang mga terorista. Pero napatay ding lahat ng mga terorista ang mga hinostage nila.
Kung ano ang naganap pagkatapos ng trahedya ay tinalakay ng pelikulang Munich ni Steven Spielberg. Tampok sina Eric Bana, Daniel Craig, Hanns Sischler at marami pang iba.
Mula sa Dreamworks Pictures ang Munich at ipinamamahagi ng Solar-UIP.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended