Palabas na sa Peb. 15, nagso-shooting pa sa Singapore!
February 10, 2006 | 12:00am
First time na may pa-presscon ang ABS CBN pero, wala ni isa mang artista ng Close To You ang dumating.
Wala namang intensyon sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at Sam Milby at maging ang director ng pelikula nilang si Cathy Garcia Molina na isnabin ang press pero, talagang di sila nakarating from Singapore na kung saan ay tinatapos nila ang shooting ng Close To You na may playdate sa Pebrero 15.
Sa tulong ng makabagong teknolohiya at sa sipag ng mga manggagawang Pinoy, matatapos ang pelikula na kinasasabikan na ng mga followers nina Lloydie at Bea dahil unang movie ito ng dalawa na kung saan ay may relasyon na sila at lalo na ni Sam na first time mapapanood sa movie.
Kasama rin sa movie sina Melanie Marquez, Buboy Garrovillo, Nova Villa at ang mga Close Up million peso winners na sina Carinne Cabebe at Reyson Yap.
Tingnan mo nga naman at kasabay ng paglalabas ng Nescafe Classic First Pick, isang limited edition soluble coffe ay ang pagpapalabas ng isang modernong zarzuela na parang Moulin Rouge. Dito makikita ang mga artista na kumakanta ng mga awiting tulad ng "Ligaya" ng Eraserheads, "Sana Ay Ikaw Na Nga", "Ikaw Ang Tunay Na Ligaya", "Ewan" ng APO na nakasuot ng tradisyonal na kasuotang Pilipino.
Si Calvin Millado ang narrator at host, sina Joel Trinidad, Ivy Maniquiz ang magsing-irog na sina Pablo at Ligaya na hindi masabi sa isat isa ang kanilang nararamdaman.
Makakasama na sa konsyerto nina Gary Valenciano at Zsazsa Padilla na Faces of Love 2 na mapapanood sa Peb. 18-19 sa NBC Tent, Global City ang mga anak nilang sina Paolo Valenciano at Karylle. Dapat lamang naman na masali ang dalawa sa konsyerto para come-on sa mga kabataan na ngayon pa lamang ay namimili na kung ano ang panonoorin nila ngayong buwan ng Pebrero. Hindi na ipagtatanong ang kagalingan ni Paolo sa pagkanta sa ilang ulit nitong pagkakasali sa ilang musical plays. Ganundin si Karylle na di lang naman ang kagandahan ng ina ang namana kundi maging ang galing nito sa pagkanta.
Wala namang intensyon sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at Sam Milby at maging ang director ng pelikula nilang si Cathy Garcia Molina na isnabin ang press pero, talagang di sila nakarating from Singapore na kung saan ay tinatapos nila ang shooting ng Close To You na may playdate sa Pebrero 15.
Sa tulong ng makabagong teknolohiya at sa sipag ng mga manggagawang Pinoy, matatapos ang pelikula na kinasasabikan na ng mga followers nina Lloydie at Bea dahil unang movie ito ng dalawa na kung saan ay may relasyon na sila at lalo na ni Sam na first time mapapanood sa movie.
Kasama rin sa movie sina Melanie Marquez, Buboy Garrovillo, Nova Villa at ang mga Close Up million peso winners na sina Carinne Cabebe at Reyson Yap.
Si Calvin Millado ang narrator at host, sina Joel Trinidad, Ivy Maniquiz ang magsing-irog na sina Pablo at Ligaya na hindi masabi sa isat isa ang kanilang nararamdaman.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended