^

PSN Showbiz

Leo Martinez, nagsa-sourgrape

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Bakit naman kaya si Mr. Vic del Rosario ang pinag-iinitan ni Film Academy of the Philippines Chairman Leo Martinez sa pagbawas ng share ng FAP sa kita ng katatapos na Metro Manila Film Festival?

Nagrereklamo raw kasi si Mr. Martinez kung bakit 10% lang ang napunta sa FAP samantalang dati naman 30%.

Sa inilabas kasing decision ng Office of the President, ang sharing: ang hatian: Anti Piracy Council 10%, FAP 10%, Mowelfund 30%, Optical Media Board 20%, Film Development Council of the Philippines 20% and President Social Fund 10%.

As Presidential Consultant on Entertainment, nag-proposed si Mr. Del Rosario sa presidente ng pakiramdam niya ay fair sharing para naman ma-maximize ang taxes ng MMFF na sure naman siyang mapupunta rin naman sa industriya. Pero sabi nga ni Mr. Del Rosario, wala sa kamay niya ang desisyon. Ang tanggapan pa rin ni Presidente ang may final na say nangyari naman.

The decision came out last January 24, signed by Excutive Secretary Eduardo Ermita.

"So paano siya (Mr. Martinez) maga-accuse na si Mr. Del Rosario ang nag-manipulate sa sharing ng kita ng MMFF?" say ng isa source ng Baby Talk.

On the second thought, bakit nga ba kailangang mag-react si Mr. Martinez? Samantalang parang wala naman akong naririnig na project ng FAP except sa mga controversial awards night na ginagastusan ng limpak-limpak na salapi.

Ang Film Development Council naman ay kailangan din ng budget para sa pagpapatupad ng mga proyekto ng industriya tulad ng mga target na film importation, film festival sa abroad at iba pa.

Ang budget naman ng Anti Piracy Council ay nahati - ang dating 30% ay naging 10% sa Anti Piracy at ang 20% ay ibinigay ng presidente sa OMB na nagi-enforce ng pagri-raid. Ang Anti Piracy Council naman daw kasi ay hindi nagri-raid, nagmo-monitor lang sila compared to OMB na nanghuhuli at the same time ay nagmo-monitor ng mga pirata sa buong bansa.

Actually, mahaba-habang diskusyon ito at siguradong hindi patatalo si Mr. Martinez sa argumento.

By the way, ang actress na si Elizabeth Oropesa nga pala ang pumalit kay Mr. Leo as member ng Cinema Evaluation Board. "Baka naman yun ang rason kaya nagsasalita ng against si Leo?" react pa ng source.

Open ang pahinang ito sa reaction ni FAP Chairman Leo Martinez lalo nga’t balitang gusto pa nitong pumunta ng Malacañang para personal na magreklamo sa presidente.

Masyado nang maraming problema ang presidente para pagtuunan pa niya ito ng pansin.
* * *
Speaking of CEB, graded B ang I Will Always Love You starring Angel Locsin & Richard Gutierrez na nag-start ipalabas yesterday sa Metro Manila theaters.

Sure ako na patok ito ngayong love month dahil sa kuwento na ‘you can lie for love.’ May kilig factor talaga.

Actually kahit common knowledge na pareho silang may kanya-kanyang lovelife - si Richard kay Georgina Wilson at si Angel kay Oyo Boy Sotto, grabe ang chemistry nila sa screen.

Compared to Let The Love Begin, mas maayos ang I Will Always Love You. Maayos in terms of direction, music, ang mga eksenang kinunan sa America at maganda ang rehistro sa screen nina Angel at Richard.

Kasama sa movie si Jean Garcia na the usual ay na-justify na naman ang pagiging kontrabida.
* * *
Successful ang solo concert ni Ciara Sotto the other night held in Zirkoh Bar in Timog. Puno ang Zirkoh. Full force din ang pamilya Sotto. Sayang at wala ang daddy ni Ciara, si ex Sen. Tito Sotto. Nasa America raw ito.

Magkakasamang dumating sina Danica, Oyo Boy and Angel Locsin. Looks like tanggap na tanggap ng pamilya Sotto ang young actress.

Going back to Ciara’s concert. Matagal-tagal na ring hindi nakakapag-concert ang actress kaya naman dagsa ang mga fans niya sa Zirkoh. Actually, madalian daw ang show. Nanghihinayang nga ang mommy ni Ciara.

Pero kahit madalian, hindi obvious. In fairness to Ciara, malaki ang iginanda ng boses niya. Alam mo na nag-aaral siya ng Conservatory of Music sa UST dahil kontrolado niya ang boses na wala sa marami nating singer. Hindi siya sumisigaw kahit na nga high notes ang kailangan niyang abutin.

Surprised guest si Paolo Ballesteros kaya maraming fans nila ang kinilig. After the show, mga 1:30 na yata ‘yun, ang dami pang fans ni Ciara ang naghahabol para magpapirma ng autograph na pinagbigyan naman niya.

Maganda ngayon si Ciara at mukhang in love. Hindi ko lang alam kung kay Paolo...

ANGEL LOCSIN

ANTI PIRACY

ANTI PIRACY COUNCIL

AS PRESIDENTIAL CONSULTANT

CIARA

I WILL ALWAYS LOVE YOU

MR. DEL ROSARIO

MR. MARTINEZ

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with